Ma-convict kaya si VP?
Abangan! Malamang, ang bagong Senado na ang uupo upang litisin si VP Sara Duterte batay sa mga articles of impeachment na isinampa ng Mababang Kapulungan. Tapos na ang kasalukuyang Kongreso at nagkakaroon na tayo ng mga bagong senador at representante sa Mayo.
Kaya ayon kay Senate President Chiz Escudero, maaaring sa Hunyo na sisimulan ang papel ng Senado bilang impeachment court. Kung makakalusot o mako-convict si Sara ay depende marahil sa bilang ng mga mauupong senador na kakampi o kalaban niya.
Samantala, galit na galit si Davao Rep. Paolo Duterte at tinawag ang “inapurang” impeachment ng kanyang kapatid na si Sara na “political persecution”. Pulos daw imbento at kasinungalingan ang mga akusasyon na nakapaloob sa impeachment.
Ha? Ibig bang sabihin na ang mga pagmumura at banta sa buhay laban sa Presidente na sinambit ni Sara ay inimbento lang? Pero nasaksihan natin at narinig ang lahat sa telebisyon at social media.
Bayaan na lang munang makumpleto ang proseso ngayong nasa kamay na ng Senado ang usapin. Wala nang oras para talakayin pa ito ng Senado dahil break na nito. Hindi rin ubrang magpatawag ng special session para dinggin ang isang kaso ng impeachment.
Kung sa Hunyo pa masisimulan ang trial, may mga bagong senador nang nakaupo dahil sa katatapos na midterm elections. Wait na lang tayo. Hindi pa natin masiguro ang political leanings ng mga mahahalal na senador.
Ngunit duda ako kung mahahatulang guilty sa charge si Sara. Numbers game ang impeachment at sa Senado, maraming kaalyado ang mga Duterte. Mahirap hulaan kung ano ang magiging resulta.
- Latest