Illegal drugs nasabat
Nakasabat nang laksa-laksang shabu ang National Bureau of Investgation (NBI) sa Port of Manila. Dumating ang shipment noong Enero 23. Ang shabu ay nasa mga karton ng pasta na galing Pakistan.
Nang isalang ang 698 boxes sa Bureau of Customs (BOCs) portable x-ray nakita ang lamang shabu na nagkakahalaga ng P2.6 bilyon. Limang suspects ang inaresto ng NBI na kinilalang sina Oscar, consignee; Kevin at Richard, kapwa Customs broker; June ng Ark Global Movers, forwarding company at Rey, president ng nasabing kompanya.
Ayon kay NBI Director Jaime Santiago, ang magandang pakikipag-ugnayan sa International Police (InterPol) ang naging susi sa pagkatuklas ng shabu. Dahil sa pagkahuli sa droga maraming buhay ang naisalba ng NBI. Sa ngayon patuloy pa ang follow-up na isinasagawa ng NBI upang matunton ang iba pang mga kasangkot sa pagpapasok ng droga sa bansa.
Upang mabawasan ang pagkalat ng droga ang ginagawa na lamang ng PNP at NBI ay nagsasagawa ng mga buy-bust operation. Binubusisi ang mga online transaction nang upang matunton ang mga pushers, users at mga high value target na nasa listahan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
Ngayong papalapit na ang May election, tiyak na dadagsa pa ang droga sa bansa. Hindi kaya may mga pulitikong nasa likod ng pagpapakalat ng droga. Bakit hindi maubus-ubos? O baka naman patuloy ang recycling sangkot ang mga scalawags na alagad ng batas.
Bahala ang NBI at PDEA sa pagdakma sa mga nagpapakalat ng droga. Sana malipol na ang mga ito sa lalong madaling panahon.
- Latest