^

PSN Opinyon

Tips pangkalusugan

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

1. Kumain ng mas kaunting pagkain – Maraming pag-aaral ang nagpakita na ang pagbabawas sa pagkonsumo ng calories ay nagpapahaba ng buhay. Ayon sa teorya sa pag-diyeta, ang pagkain ng mas kaunting pagkain (20 percent na mas kaunti) ay maaaring mabawasan ang dami ng pamamaga sa mga daluyan ng dugo at maaaring bawasan ang dami ng mga lason sa katawan. Kahit sa panahon ng Bibliya, ang pag-fasting at pag-iwas sa ilang mga pagkain ay hinihikayat.

2. Subukan ang Mediterranean Diet – Ang Mediterranean diet ay binubuo ng gulay, prutas, beans, mani at olive oil. Ang mga isda at manok ay kinakain din ng katamtaman. Ipinapa­kita ng mga pag-aaral na ang mga taong kumonsumo ng Me­diterranean diet ay makaiiwas sa sakit sa puso at Alzhei­mers Disease. Sa katunayan, itinuturing ito ng mga eksperto na pina­ka-masustansyang diyeta.

3. Piliin ang masustansyang fats – Mayroong dalawang uri ng fats: ang masustansya at hindi masustansyang fats. Ang mga hindi masustansyang fats (saturated fats at trans-fatty acids) ay nagdudulot ng sakit sa puso. Ang saturated fats ay matatagpuan sa mantikilya, creams, at taba ng baboy at baka. Ang trans fats ay matatagpuan sa margarines at cooking oil at mga pagkaing dumaan sa proseso kagaya ng biscuits. Tingnan ang label at subukan bawasan ang pagkain nito. Sa kabilang dako, ang masustansyang fats ay matatagpuan sa mani, abo­kado at matatabang isda katulad ng salmon, sardines, mackerel at tilapia. Kung mamimili, piliin ang low-fat milk at low fat na mga palaman.

4. Panatilihin ang kalinisan sa ngipin – Ang pagkakaroon ng sakit sa gilagid ay nauugnay sa sakit sa puso at sa katu­nayan ay maaaring magpa-ikli ng buhay. Pinaniniwalaan na ang pamamaga sa gilagid ay nauugnay sa pamamaga din ng mga arteries o ugat sa puso. Ang impeksyon sa bibig ay ma­a­aring humantong sa delikadong impeksyon sa valve ng puso. Mag-sepilyo ng ngipin tatlong beses kada araw. Gumamit ng panlinis ng dila para matanggal ang bakterya sa dila. Mag-floss araw-araw.

PAGKAIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with