^

PSN Opinyon

Tutuli

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

PAYO ng mga doktor. “Huwag maglagay ng cotton buds o toothpick sa loob ng iyong tainga. Kung gustong maglinis ng tainga, hanggang bimpo lang ang puwedeng gamitin.”

Anong gagawin sa tutuli?

May dalawang klase ng tutuli. Ang una ay tuyo at maputing tutuli at ang ikalawa ay basa at madilaw na tutuli.

Ang trabaho ng tutuli ay para protektahan ang eardrum sa dumi. Hinaharang ng tutuli ang mga duming pumasok sa taynga, at unti-unti itong lalabas ng kusa sa tainga. Dahil dito, hindi talaga kailangang maglinis ng taynga.

Kung mangyari na bumara ang tutuli, medyo mabibingi ka.

Huwag gumamit ng cotton buds at baka lalong pumasok ang tutuli sa loob ng taynga. Ang delikado pa rito ay baka mabutas ang iyong ear drum. Tandaan: Ang butas na ear drum ay maaaring hindi na maghilom. Mabibingi at magka­kaluga ang taynga.

Ano ang gagawin kung bumara ang tutuli?

Kumunsulta sa isang ENT (Ear, Nose and Throat) doctor bago gawin ang mga tips:

1. Puwedeng magpatak ng mineral oil o baby oil sa apektadong tainga. Kung may pera, puwedeng bumili ng Docu­sate sodium ear drops na pinapatak sa tainga. Huwag itong gawin kung may tsansa na butas ang eardrum.

2. Humiga sa iyong tagiliran ng 20 minutos para manuot ang likido sa tumigas na tutuli.

3. Gawin ito dalawang beses sa maghapon hanggang tatlong araw. Hintayin na matanggal ang tutuli ng kusa.

Mga payo para maprotektahan ang taynga:

1. Hinaan ang volume ng iPod, radyo o stereo.

2. Huwag lumapit sa speaker sa concert.

3. Takpan ang tainga kung maingay ang lugar.

4. Huwag maligo sa dagat at maruming swimming pool.

5. Tuwalya lang ang puwedeng panlinis ng taynga.

DOC WILLIE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with