1. Magkaroon ng sapat na tulog. Matulog ng pito hanggang walong oras na tulog na tuluy-tuloy. Regular na matulog at gumising sa parehong oras.
2. Bigyan ang sarili ng oras para mag-relax. Humingi ng tulong sa iba kung masyado nang marami ang trabaho.
3. Iorganisa ang pang-araw-araw na schedule. Unahin ang mas importante. Okay lang na hindi tapusin lahat.
4. Alamin ang mga bagay na nagdudulot ng stress. Bawasan o iwasan ito.
5. Subukang mag-ehersisyo sa umaga. Ang ehersisyo ay nagbibigay ng lakas.
6. Paramihin ang sariwang hangin sa bahay at trabaho. Ang sariwang hangin ay nagbibigay ng lakas.
7. Balansehin ang kakainin. Isama rito ang pagkain nang maraming prutas, gulay at whole grain. Kumain ng masustansiyang almusal. Huwag magpalipas ng gutom.
8. Kung sobra sa timbang, magdiyeta pero gawin nang dahan-dahan. Iwasan ang sobrang pagbawas sa pagkain dahil baka manghina. Itigil ang paninigarilyo. Ang paninigarilyo ay nakapagpapataas ng lebel ng pagod.
9. Uminom ng 8-10 basong tubig. Kung ang ihi ay malinaw ang kulay, ibig sabihin ay sapat ang iniinom na tubig, ngunit kung sobrang dilaw kailangang uminom nang maraming tubig.
10. Tingnan ang mga gamot na iniinom. May mga gamot na ang side effect ay nagdudulot ng fatigue.