^

PSN Opinyon

Malaking tulong

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

DUMATING sa bansa sina U.S. Secretary of State Antony­ Blinken at U.S. Defense Secretary Lloyd Austin III noong Martes. Nakipagpulong agad kina Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo at Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. at pinag-usapan ang Enhanced Defense Cooperation Agreement (Edca) sites sa bansa. Magbibigay rin ng $500 milyon na tulong-militar ang U.S. sa bansa sa kabila ng mga problema sa China hinggil sa karagatan.

Ayon kay Blinken, and tulong ay para sa moderni­sasyon ng AFP at Coast Guard. Ang $128 milyon ay para sa imprastraktura sa Edca sites, partikular sa Northern Cagayan kung saan malapit sa Taiwan. Malinaw ang tinatahak ng administrasyong Marcos palapit sa U.S. Lumakas muli ang relasyon ng dalawang bansa.

Sana lang, mapunta sa dapat puntahan ang malaking pondong iyan, at hindi kung saan-saan na naman, lalo na sa bulsa ng tiwaling tao, sa serbisyo publiko o pribado man. Isipin na lang ang mabibiling modernong armas para sa AFP at Coast Guard.

At tulad ng inaasahan, hindi natuwa ang Beijing sa kilos ng U.S., at pagtanggap ng Pilipinas ng pondo para sa tulong-militar. Nagbabala, na naman, ang China noong Miyerkules na ang Pilipinas ay “nanganganib ng mas mala­king kawalan ng katiyakan para sa sarili nito”. Nagpapagamit lang daw ang Pilipinas sa U.S.

Hindi na bago ang mga pahayag na iyan tuwing tumu­tulong ang U.S. Dapat makita ng China na hindi lang naman U.S. ang nag-aalala hinggil sa sitwasyon sa karagatan. Nandiyan din ang Japan, Australia,at India. 

Nangako si President Bongbong Marcos Jr. na hindi unang magpapaputok ang ating mga coast guard o sundalo sa pakikipagsapalaran sa China. Nagiging agresibo na ang China kumpara noong administrasyon ni dating President Rodrigo Duterte.

Tingnan natin kung ano ang susunod na gagawin ngayong alam na malaki ang tulong-militar na ibibigay ng U.S. sa bansa. Mga imprastraktura sa Northern Cagayan ang unang aayusin para magamit nang maayos ng mga Amerikano. Talagang manggagalaiti ang Beijing.

vuukle comment

AFP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with