^

PSN Opinyon

Tatlong milyong Chinese ‘lumusob’ sa Pilipinas

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

Isandaan siyamnapu’t limang libong sundalong Hapones lang ang lumupig sa Pilipinas nu’ng 1941. Isang milyong sundalong Aleman ang lumusob sa Poland nu’ng 1939.

Katiting lang ang mga numerong ‘yan kumpara sa nang­yari sa Pilipinas nu’ng 2016-2018. Mula sa talaan ng Bureau of Immigration, inulat ng Philippine Star nu’ng June 2018 na tatlong milyong Chinese immigrants ang dumagsa sa Pilipinas.

Ang populasyon ng Pilipinas noon ay 103 milyon. Sa isang kisap nadagdagan ito ng 3 percent, sabi ni Demetrius Cox sa Journal of Political Risk.

Inaagaw ng China ang West Philippine Sea, o exclusive­ economic zone ng Pilipinas sa kanluran. Mas malaki ang lawak ng WPS kaysa 30-milyon ektaryang lupain ng bansa.

Namalayan ba ng gobyerno ng Pilipinas ang kwenta paglusob na ‘yon ng tatlong milyong Chinese, tanong ni Cox. O baka naman sadyang pinapasok sila ng mga tiwa­ling Pili­pinong opisyales.

Unang tatlong taon pa lang noon ng Pangulohan ni Rody Duterte. Lantarang maka-Beijing siya. Sinanto niya si Chinese president Xi Jinping. Sinabi niya na gawing probinsya sana ng China ang Pilipinas.

Ang EEZ ng Pilipinas ay para sa Pilipino lang; walang pinagkaiba sa EEZ ng China na para sa Chinese lang. Pero pinayagan ni Duterte ang mga mangingisdang Chinese na magnakaw sa WPS. Walang limitasyon sa lawak, dami at panahon ng pangingisda ng Chinese.

Nasaan na ang tatlong milyong Chinese immigrants? Marami sa kanila ay nangasa-Philippine Offshore Gaming­ Operators (POGOs). Merong mga nagpapanggap na estud­yante, pero nag-eespiya sa mga kampo militar ng Pili­pinas. May mga nasa ilegal na droga. May mga nagna­nakaw sa gob­yerno, tulad ni Michael Yang na economic adviser ni Duterte. May mga nag-asawa ng Pilipina para makabili ng lupa.

Ilegal na POGO nasabat sa Angeles City, Sep. 2022.
DILG Photo

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

vuukle comment

DILG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with