^

PSN Opinyon

Problema pa rin

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

Tuluyan nang nakalabas ng bansa ang Bagyong Carina. Nagdulot ito nang mala-Ondoy na pag-ulan kung saan ma­raming lugar sa Metro Manila ang binaha at may mga pag­guho ng lupa. Ayon sa PNP, 34 ang kumpirmadong namatay dahil sa Bagyong Carina at habagat.

Ang National Disaster Risk Reduction and Management­ Council (NDRRMC) pa rin ang magbibigay ng opisyal na bilang. Maaaring magbago pa ito. Nagdeklara ng state of calamity sa Metro Manila para mapabilis ang paglabas ng pondo para matulungan ang mga nasalanta at apektado ng bagyo.

Hindi rin puwedeng magtaas ng presyo ng mga bilihin sa panahong ito. Babala na rin sa mga mananamantala ng sitwasyon.

Sa ngayon ito na ang pinaka masamang bagyo na tumama sa bansa. Pero papasok pa lang tayo ng Agosto. Batay sa kasaysayan, ang mga bagyo ay pumapasok ng Setyembre hanggang Disyembre at malalakas. Sana huwag naman.

Ang Pilipinas ang nangunguna sa mundo ng dami ng natural sa kalamidad na tumatama—bagyo, lindol, bulkan, pagbaha at pagguho ng lupa. Marami na ngang YouTube videos ang lumabas kung saan ipinapaliwanag kung bakit nga ganito.

Isa rito ay ang lokasyon ng bansa sa loob ng tinatawag na Ring of Fire sa rehiyon ng Pacific Ocean. Dito pinakaaktibo ang mga bulkan at paggalaw ng lupa na nagdudulot ng lindol.

Ang Pilipinas din ang kadalasang tinatamaan ng mga ma­lalakas na bagyo na namumuo sa Pacific Ocean. Ang sila­­ngang bahagi ng bansa ang unang tinatamaan ng bagyo. Mabuti na rin at may mga bundok tayo na nagsisilbing harang at pinahihina ng bahagya ang mga bagyo.

Masuwerte nga ang ibang bansa tulad ng Taiwan at China dahil kadalasan ay mahina na ang bagyo kapag tumama sa kanila dahil nanalasa na sa Pilipinas.

Sa kabila nito, may naidulot namang positibo ang bagyo, ito ay ang pagtaas ng lebel ng tubig sa ating mga dam na namiligrong bumaba nang husto ang lebel.

Pero ang problema ng pagbaha sa Metro Manila ay hindi pa rin talaga masolusyunan. Kabalintunaan pa nga na kata­tapos lang ng ikatlong SONA ni Pres. Bongbong Marcos Jr. kung saan ipinahayag niya na maraming flood control projects ang natapos na at maraming pang malapit nang matapos.

Pero mala-Ondoy nga ang bumagsak na ulan kaya baka hindi na rin kinaya. Ganunman, dapat tapusin na ng paspasan ang anumang mga proyektong pangontra ng pagbaha. Kung hindi mauulit lang ang naganap noong tumama ang Bagyong Carina.

vuukle comment

CARINA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with