^

PSN Opinyon

Wanted: Manufacturer ng halamang gamot!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

Abot kamay na sana ang mura at mabisang gamot sa lahat ng mga Pinoy, lalo na sa mga kapuspalad kung magagamit ang mga halamang gamot na makikita saang man bahagi ng Pinas. Hindi na sana malulugmok ang mga mahirap na Pinoy sa banig na karamdaman kung magagamit nila ang mga gamot mula sa halaman, imbes ang mga mahal na gawa ng mga dayuhan, di ba mga kosa? Mismooooo!

Ang bisa ng mga halamang gamot sa Pinas ay hindi pang-albularyo o kuwentong kutsero lamang. Matapos ang mahabang taong masususing pag-aaral ay napatunayang mabisa at ligtas ang maraming halamang gamot tulad ng Ulasimang Bato o kilala sa tawag na pansit-pansitan. Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?

Mula sa Ulasimang Bato,  ang mga experto sa National Integrated Research Program on Medicinal Plants-Institute of Herbal Medicine (NIRPROMP-IHM) ay matagumpay na nakagawa ng gamot laban sa mataas na uric acid sa dugo na maaring magdulot ng  arthritis o pamamaga ng kasu-kasuan. Makakatulong ito para sa tinatayang 1.6 million na Pinoy na nakakaranas ng gout, isa sa pinaka-karaniwang arthritis. Araguyyyyy! Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

Ayon kay Dr. Lourdes Marie Tejero, director ng Techno­logy Transfer and Business Development Office (TTBDO), ang  pansit-pansitan ay sumailalim na sa lahat ng pre-clinical trials at ibat-iba pang clinical tests na hinihingi ng Food and Drug Administration (FDA) para magamit ng publiko ang isang gamot. Lumabas sa mga clinical tests na ang pansit-pansitan ay mabisa at higit sa lahat ay walang masamang side effect na maaring idulot ng ibang gamot laban sa elevated uric acid.

“It was proven as efficacious as the standard treatment for hyperuricemia ones taken by patients- and patients who took Ulasimang Bato did not experience side effects,” diin ni Tejero. Ibig sabihin maari na ito ipamahagi at gamitin ng mga Pinoy ng walang pangamba. E di wow!

Subalit sa kasalukuyan, naghahanap pa rin ang TTBDO, mula sa pribadong sector, ng handang mamuhunan sa paggawa ng tableta mula sa pansit-pansitan. Ang TTBDO at ang University of the Philippines (UP) Manila ay nagtutulungan upang mapadali ang transition ng mga scientific innovation tulad ng pansit-pansitan na maging commercial product.

Idinaos kamakailan ang Pharma and Healthcare Expo sa Pasay City upang makaakit ng commercial partners na magma-manufacture ng mga “ scientific breakthrough” tulad ng pansit-pansitan. Bukod sa Ulasimang Bato, meron pang ibang halamang gamot  na nag-aabang ng commercial partner tulad ng Yerba Buena na gamot sa dysmenorrhea, Ampalaya  para sa diabetes at ang Tsaang Gubat para sa Colic. Yahooo! May pag-asa na kaming mga diabetic na magkaroon ng murang gamot at walang side effect.

Tunay na sandamakmak ang mabisang halamang gamot sa Pinas, ngunit ang malaking  balakid sa mahabang panahon,  ayon nga kay Tejero ay kung paano ito ma-produce at gawin commercially available para sa mga Pinoy.  Abangan

PINAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with