^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Panahon na para itigil ang POGOs

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Panahon na para itigil ang POGOs

Walang naitutulong ang Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) sa kabuhayan ng bansa. Mula nang mag-operate ang POGOs noong 2017, hindi nagkaroon ng pagbabago sa ekonomiya at lumubog pa dahil maraming hindi nagbabayad ng buwis. Panahon ni President Duterte, na pinahintulutan ng Philippine Amusement and Gaming Corporation, nang mamayagpag ang POGOs sa bansa. Sa lahat nang bansa sa Asya, tanging ang Pilipinas ang may POGO. Isinuka ito sa Malaysia, Singapore at maski sa China, ipinagbabawal ito roon. Tanging Pilipinas lang ang yumakap sa POGO.

Maraming mambabatas na ang nagpahayag ng pagtutol sa POGOs. Ipinasususpende na nila ang operasyon nito dahil wala namang naitutulong. Iki­natwiran ng mga mambabatas na perwisyo ang POGOs sapagkat mula nang mag-operate sa bansa, dumami ang krimen. Tumaas ang bilang ng kidnap-for-ransom. Pati ang human trafficking ay tumaas din. Kinikidnap ang kapwa nila Chinese at saka ipatutubos. Kapag hindi tinubos, papatayin ang kinidnap.

Nang kapanayamin si Sen. Sherwin Gatchalian sa TV, sinabi nito na sa kanilang pagsisiyasat, ang mga nagmamay-ari ng POGOs ay karaniwang mga miyembro ng sindikato sa China. Kaya nang lumi­pat sila rito, naging laganap ang krimen. Sinabi rin ni Gatchalian na inutil ang PAGCOR sa POGOs. Walang ginagawang aksyon sa mga ginagawang paglabag ng POGOs. Isinusulong ni Gatchalian ang pagpapatigil ng POGOs.

Noong Enero, sinabi ni President Ferdinand­ Marcos Jr. na naghahanap pa raw siya nang magandang dahilan para ipatigil ang POGOs sa bansa­. Ang talaga raw problema ay ang illegal POGOs dahil­ hindi nagbabayad ng buwis ang mga ito. Ang mga nangyayaring patayan daw ay kagagawan ng illegal POGOs. Marami na raw pina-deport na personnel­ na nagmamantini ng illegal POGOs.

Hindi na kailangang maghanap pa nang magandang dahilan para ipagbawal ang POGOs. Sa mga nangyayaring krimen na lang, sapat na para ipatigil ang operasyon ng POGOs. Huwag nang hintayin pang dumami ang krimen na pati mga Pilipino ay kikidnapin at ipatutubos. Huwag ding hayaang maging­ balwarte ng sugalan ang Pilipinas.

vuukle comment

POGO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with