^

PSN Opinyon

Pangil ng Kongreso

UNFILTERED - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

Nainsulto ang buong Kongreso sa inaasta ng kani­lang kabaro na si Cong. Arnulfo “Arnie” Teves. Hindi pina­kinggan ang kanyang mga dahilan at palusot na nanga­nganib daw ang kanyang buhay. Kaya ang Kongreso, walang pakundangan. Nagkaisa at nagpataw agad ng paru­sang 60-day suspension sa nagtatagong kongresista.

Ipinakita ni House Speaker Martin Romualdez ang kanyang pangil sa pamamagitan ng kanilang Ethics and Privileges Committee. Walang nag-abstain, walang nag-oppose. Walang kumontra, lahat nagkaisa. Kumbaga, grand slam kung pag-uusapan ang bilang.

Sa pananaw ko, ang gustong sabihin ng Kongreso kay Teves, huwag mong dungisan, huwag mong lagyan ng batik ang integridad ng ating institusyon na nirerepresenta.  Maging si Pres. Ferdinand “Bongbong” Marcos, disenteng pagkabuwisit at inis ang mga binitiwang salita kay Teves.

Mismong presidente na ang nagbigay ng assurance. Walang gagalaw sa kanya. Tiniyak ang kanyang seguridad umuwi lang siya ng Pilipinas. Sabihin lang daw ni Teves kung kailan siya darating para mabigyan at mapa­libutan ng security. Si Teves na rin daw ang mamimili kung saan niya gustong mag-landing.

Kulang na lang sabihin ni PBBM, VIP treatment ka Teves pag-uwi mo. Mas mahigpit pa sa seguridad na ibi­ni­bigay ng bansa kay U.S. Pres. Joe Biden at Russian Pres. Vladimir Putin kapag bumibisita rito.

Kaya ngayon itong si Atty. Ferdinand Topacio, hindi magkandaugaga. Mauubusan na ng dahilan sa kadedepensa sa kanyang kliyente. Siguradong madaragdagan pa ang mga linya sa kanyang noo. Paano pa nga ba naman niya kokontrahin, eh presidente na ang mismong nagbigay ng kasiguraduhan.

Intindihin mo ‘to Topacio. Wala pa sa korte ang usapin kaya inosente pa si Teves. Ang ating legal jurisprudence, innocent until proven guilty in the court of law. The burden of proof is with the accuser.

Kung ako sa’yo, sunduin mo na si Teves para hindi hinuhusgahan sa social media. Ang nangyayari tuloy, in the court of public opinion guilty na agad ang principal mo kasi ayaw lumutang.

Exciting ‘to! Abangan natin ang mga susunod na kabanata.

vuukle comment

KONGRESO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with