^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Lipulin ang ‘ninja cops’

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Lipulin ang �ninja cops�

MGA pulis na sangkot sa illegal na droga ang dumudungis at humihila pababa sa Philippine National Police (PNP). Ang mga pulis-droga na ito ang dahilan para mawalan ng tiwala ang mamamayan. Sa totoo lang, ang pagkakasangkot nang maraming pulis sa illegal drug trade ay pinakamabigat na problema. Dahil maraming pulis ang sangkot, nagpapakita lamang ito na wala nang kalutasan ang drug problem sa bansa. Sa halip na malutas ang problema, lalo pang lumala at hindi na maampat.

Paano masasawata ang pagkalat ng droga gayung mga mismong pulis ang nagpapakalat? Sangkot sa drug recycling ang mga pulis partikular na ang mga naka-assigned sa drug enforcement unit o ang Philip­pine Drug Enforcement Group (PDEG). Nabulgar sa pagdinig ng House of Representatives na ang mga nakukumpiskang shabu ay hindi lahat isinusuli ng drug enforcers. Ito ang nire-recycle. Ibabalik sa kalye para pagkakitaan. Ito ang binulgar ng impormante nang humarap sa House Committee on drugs kamakailan.

Kapag naman may nahuling “ninja cop” hindi agad inaaksiyunan at lumilipas pa ang ilang buwan bago masibak sa puwesto ang pulis. At nakapagtatakang sisibakin lang at hindi ikukulong gayung nahulihan nang sandamakmak na shabu.

Gaya nang nangyari kay Sgt. Rodolfo Mayo Jr., na nahulihan ng 1-toneladang shabu na nagkakahalaga ng P6.7 bilyon noong nakaraang taon. Ang tagal bago siya napagpasyahang sibakin sa puwesto. Isa siya sa “ninja cop” na tinukoy ni dating President Duterte noong 2017. Itinapon siya sa Mindanao subalit nakabalik sa PDEG-NCR. Dito na nga siya nahuli sa illegal drug trade.

Nararapat mabulok sa bilangguan ang mga pulis na nahuhulihan ng droga at hindi lang basta sibak sa serbisyo. Paigtingin pa ang pagdakma sa mga ninja cops. Marami pang tulad ni Mayo. Sila ang sumisira at nagwawasak sa PNP.

Kung hindi malilipol ang ninja cops, magpapa­tuloy at lulubha pa ang problema sa illegal na droga. Unahin ang ninja cops. Bago man lang magretiro si PNP chief General Rodolfo Azurin, makita sana na nabawasan o nalipol na ang mga salot na pulis.

vuukle comment

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with