^

PSN Opinyon

Rapist na ama, kulong habambuhay!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

NATAPOS din ang maliligayang araw ni Joseph Laroga, na nang-rape ng sariling anak. Ang buong akala ni Laroga, 49, ay mapaglalangan niya ng matagal na panahon ang batas subalit nagkamali siya. Noong Linggo, nasakote ng mga tauhan ni Lt. Col. Wilfredo Sy, hepe ng Regional Special Ope­rations Group (RSOG) ng National Capital Region Police Office (NCRPO) si Laroga sa San Juan, Batangas kung saan siya nagtago nang mahigit dalawang taon. Dipugaaaaa!

Ang tropa ni Sy ay armado ng arrest warrant na inisyu ni Judge Zach Zaragoza Ziga, ng Family Court 5th Judicial Region, Branch 12, sa Sorsogon City, Sorsogon. No bail ang ipinataw ni Judge Ziga laban kay Laroga. Araguuyyyyy! Hehehe! Mabubulok sa kulungan si Laroga, ‘no mga kosa? Eh di wow!

Si Laroga, na tubong Bgy. San Isidro, Castilla, Sorsogon ay inakusahang nang-rape sa kanyang 15-anyos na pangatlong anak. Dahil ayaw magreklamo ang asawa at kaanak, ayon kay Sy, ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Castilla, Sorsogon ang nagsilbing complainant laban kay Laroga. Ano ba ‘yan?

Matapos maglabas ng arrest warrant si Judge Ziga, nag­tago si Laroga sa Batangas kung saan nagtrabaho siyang construction worker para suportahan ang kanyang sarili. Dahil sa kanyang kaso, si Laroga ay nailista bilang No. 10 most wanted person sa hurisdiksiyon ni Brig. Gen. Westrimundo Obinque, ang director ng Police Regional Office 5 (PRO5) sa Bicol. Top 3 naman siya sa probinsiya ng Sorsogon. Dipugaaaaa!  Wala  talagang kasamaan na may magandang ending, di ba mga kosa?  Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan? Mismooooo!

Tugma lang ang istorya sa buhay ni Laroga sa matandang kasabihan na “ang kasamaan ay hindi talaga nagbubunga ng maganda”. Ano sa tingin n’yo mga kosa? Kasi nga, kahit­ magaling magtago si Laroga, abayyyyy may nakakilala sa kanya sa San Juan, Batangas at ini-report sa kapulisan ang kanyang kinaroroonan. Nagbuo kaagad si Col. Sy ng isang police team na pinamumunuan ni Maj. Broderick Noprada, ng RSOG-Regional Intelligence Division, at kasama ang Castilla police ay inaresto si Laroga sa Rosario, San Juan Road, Bgy, Palahanan 2, San Juan. Eh di wow! Hehehe! Biglang natapos ang drama sa buhay ni Laroga, ‘no mga kosa? Dipugaaaaa!

Hindi naman “nanlaban” si Laroga. Dinala siya sa opisina­ ng RSOG sa Camp Bagong Diwa, Taguig City para sa proper documentation bago siya i-transfer sa kustodiya ng chamber ni Judge Ziga sa Sorsogon. Sa mga manyak na ama riyan, sana may mapulot kayong leksiyon sa kaso ni Laroga. Di­pu­gaaaaa! Hehehe! Hndi masarap ang buhay sa loob ng kulungan. Abangan!

vuukle comment

DSWD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with