Hindi natunawan: Simpleng indigestion o kanser na?

Lahat tayo ay may sandaling hindi natutunawan, maa­aring ito ay natural lang.

Ngunit kung ito ay madalas mo nang nararamdaman baka naman ito ay isa ng malubhang karamdaman.

Ang bawat tao ay nakararanas ng hindi matunawan dahil sa mga pagkain na nakakain, sobrang pagkain o masyadong mabilis kumain. Minsan, ang pagkain ng mga halo-halong mga pagkain (maasim, maanghang, mataba o gatas) ay maaaring maging sanhi ng pagkulo ng tiyan.

Ang paninigarilyo at pag-inom ng alkohol ay maaaring mag-resulta din sa tummy aches. Karaniwan, kailangan mo lamang uminom ng antacid at pahinga.

Upang maiwasan ang hindi pagkatunaw ng pagkain, ipinapayo ko na kumain ng mas kaunting pagkain ngunit mas madalas naman.

Gayunpaman, may iba pang mga sanhi na maaaring mas seryoso. Kung ang sakit ay nagsisimula sa gitna ng tiyan, at pagkatapos ay tumatakbo sa kanang ibabang tiyan, posible ito ay appendicitis.

Kung ang sakit ay nangyayari sa kanang itaas ng tiyan at nangyayari pagkatapos kumain ng mamantika, baka ito ay bato sa apdo o gallbladder stone.

Ang parehong mga kondisyon ay kailangang makita ng isang surgeon para sa posibleng operasyon. Paminsan-minsan, ang pakiramdam ng hindi pagkatunaw ng pagkain ay maaaring isang palatandaan ng isang ulcer o kanser sa tiyan.

Ang mga sintomas na dapat bantayan ay kung may kasama na anemia at pagbaba ng timbang. Ang isang gastroenterologist ay maaaring magsagawa ng isang endoscopy upang masuri at malaman ang sakit.

***

Paano malulunasan ang dry skin

Ang kadalasang dahilan ng panunuyo ng balat ay dahil sa matagal na pagligo at paggamit ng matatapang na sabon.

Paano gagamutin:

1. I-moisturize ang balat—Ang moisturizer ay ­nagsisilbing pang-tapal sa balat na nakatutulong mapanatili ang magandang balat. Kung ang balat ay sobrang nanunuyo maaaring mag-apply ng oil, habang ang balat ay basa-basa pa pagkatapos maligo. Ang oil ay mas tumatagal sa balat kaysa sa moisturizer.

2. Iwasang gumamit ng matatapang na sabon—Kung may panunuyo sa balat, mas makabubuting gumamit ng cleansing creams, gentle skin cleansers, at bath o shower gels na may kasamang moisturizers. Pumili ng mild na sabon na nagdaragdag ng oil at fats. Iwasan ang deodorant at anti-bacterial detergents na matatapang.

3. Limitahan ang oras ng pagligo—Ang pagligo sa mainit na tubig ng mahabang oras ay nakaaalis ng oils sa iyong balat. Gawing 15 minutos o mababa pa ang pagbabad sa tubig. Gumamit lang ng maligamgam sa halip na mainit na tubig.

4. I-moisturize ang balat pagkatapos maligo—Pagkatapos maligo, dahan-dahang i-dampi-dampi ang towel para tuyuin ang balat upang manatili ang moisture sa balat. I-moisturize agad ang balat gamit ang oil o cream para ma-trap ang moisture sa balat.

5. May tulong ang aircon—Ang mainit na pakiramdam sa loob ng bahay ay nakapagpapalala ng pangangati at pagbabalat. Pumili ng aircon na kaya ng budget at pangangailangan. Siguraduhin na laging malinis ang aircon para makaiwas sa pagbuo ng bakterya at fungi.

6. Gumamit ng mga natural na tela—Ang tela gaya ng cotton, silk ay hinahayaan ang iyong balat ay makahinga. Kung lalabhan ang mga damit, gumamit ng sabon na walang pabango.

7. Kung hindi mapigilan ang pangangati kung nanunuyo ang balat—Maglagay ng cold compress sa mga balat na apektado.

Kumunsulta sa dermatologist kung lumala ang kondisyon

Show comments