SA kabilang banda, ayon pa sa SC, ang certified true copy ng marriage contract na nagmula sa NSO (National Statistics Office) ay positibong ebidensiya bilang patunay na totoo ang kasal nina Danny at Linda.
Matatanggap ito bilang ebidensiya sa korte at nakasaad sa nilalaman ng kasamiyento ng kasal na ginanap ang pagpapakasal nina Danny at Linda may 36 na taon na ang nakakaraan.
Ang kasal ay legal maliban at ipag-utos ng korte na ipawalang-bisa na ito. Kaya obligado si Danny na suportahan si Linda sa halagang sapat sa pangangailangan ng misis at tamang parte lang base sa suweldo ng lalaki.
Isa pa, kahit pa nga ipawalang-bisa ng korte mula sa umpisa ang kasal nina Danny at Linda ay hindi pa rin makakalusot ang lalaki sa paglabag sa RA 9262 dahil ang akusado rito ay hindi kailangang konektado o kasal sa biktima basta’t nagkaroon sila ng relasyon o lumalabas sila sa date o kaya ay nagkaroon sila ng anak. At sa kasong ito ay hindi itinanggi na nagkaroon sila ng apat na anak.
Dineklara rin ng SC na totoong nagkasala si Danny sa paglabag ng batas - Sec. 5(e) par. 2 dahil tinanggalan o tinakot niyang tatanggalan ng sustento si Linda at kanilang mga anak na nararapat lang sa kanila.
Ang palusot niya na sinampahan kasi siya ng kasong bigamya ay hindi katanggap-tanggap sa hukuman.
Ang pagsasampa ng kasong bigamy ay hindi ginawa para lang siya asarin o pahirapan kundi para lang ipaglaban ang karapatan ni Linda bilang totoong asawa lalo at nagpakasal ang lalaki sa ikalawang beses sa isang babaeng taga-Africa habang umiiral pa ang kasal nila ni Linda.
Kaya walang alinlangan na nilabag ni Danny ang RA 9262, sec. 5 (i) at bukod sa pagkakulong ay dapat siyang magbayad ng multa na P200,000 at kailangang sumailalim sa psychiatric treatment (Reyes vs. People, G.R. L-232678, July 3, 2019)