^

PSN Opinyon

Manhid ang inyong kamay? Carpal tunnel syndrome ‘yan

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

KAPAG ang ugat sa kamay ay sobrang pressure, naiipit, nababarahan at namamaga, magreresulta ito sa pamamanhid. Iyan ay tinatawag na carpal tunnel syndrome.

Kung hindi ito gagamutin, posibleng permanenteng masira ang ugat at kalamnan (muscle).

Ang mga dahilan sa pagkakaroon ng carpal tunnel syn­drome ay ang mga mabibigat na trabaho, pressure sa ating palad at ang paulit-ulit na pagbubuhat ng mabibigat at matinding pagkilos ng kamay.

Mga sintomas ng carpal tunnel syndrome:

l Tingling o pamamanhid ng hinlalaki, hintuturo, gitnang daliri at palasingsingan. Hindi kasama ang maliit na daliri.

l Ang ganitong pakiramdam ay nararanasan sa gabi at paggising. Gayundin habang nagmamaneho, may hawak na telepono o diyaryo.

l Pakiramdam na parang nanghihina ang mga kamay kaya may pagkakataon na nabibitawan ang hawak.       

Tips sa carpal tunnel syndrome:

l Ipahinga ang kamay – Sa bawat oras ng trabaho, magpahinga ng kahit 5 minuto, dahan-dahang i-stretch ang palad at kamay.

l Baguhin ang mga gawain – Mas mabuti kung baguhin o ibahin ang mga gawain kung ito ay posible.

l Ideretso ang kamay – Iwasang baluktutin ang palad ng pataas o pababa. I-relax o huwag masyadong higpitan ang paghawak. Iwasan.

l Humawak nang mahigpit – Ito ay kung nagmamaneho, nagbibisikleta at nagsusulat.

l Lagyan ng hot compress ang kamay  – Puwede ring magsuot ng gloves para mapanitiling mainit ang kamay at palad.

l Gumamit ng wrist splint sa gabi para deretso ang porma ng kamay – Ang wrist splint ay nakatutulong mabawasan ang sakit o pamamanhid ng palad at kamay. Ang splint ay dapat na hindi sobrang sikip. Ayaw nating naka-baluktot ang kamay dahil naiipit ang nerve.

l Kung ang sintomas ay lumalala, magpatingin sa doktor. Ang splints, therapy o injection ay puwedeng irekomenda ng doktor. Kung nawawalan na ng lakas ang kamay, puwede itong operahan kung kinakailangan.

CARPAL TUNNEL SYNDROME

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with