BIRTHDAY on Monday ni Alicia kaya naman excited na siyang mangumbida ng kanyang mga kaibigan para i-blowout!
Binabati rin nina Ogie at Cristy, ang kanilang daughter ng Happy 19th Birthday sa Monday kaya naman nakahanda na sila para sa mga kakainin ng kanilang mga bisita.
Sabi nga, lechon, mechado, apritada, menudo, cake, pansit at siempre ice cream!
Tiyak busog ang mga bisita ni Alicia.
Ano pa ang inaantay ninyo?
Punta na!
Happy Birthday, Alicia!
Samantala, nagtatampo ang kanyang mga kasamahan sa media affairs ng NAIA dahil hindi pala sila imbitado ng birthday celebrant.
Safety sa NAIA Terminals
TINITIKTIKAN ng mga tauhan ng Bureau of Immigration sa NAIA ang mga foreign terrorist na makapasok sa Philippines my Philippines matapos silang atasan ni BI Commissioner Jaime Morente at Grifton Medina, hepe ng BI port operation division.
Kaya naman ang grupo ng BI-Travel Control Enforcement Unit ay doble pagbabantay sa mga ito para hindi sila malusutan sakaling dumating sila ng paliparan at magtangkang maghasik ng kaguluhan.
Aktibo ngayon ang monitoring ng Interpol sa NAIA at ng BI intel group para manmanan ang mga kaduda-dudang mga personalidad sa mga international airport.
Ang paghihigpit sa paliparan partikular ang mga tauhan ng BI dito ay dahil sa nangyaring pagsabog sa isang simbahan sa Jolo, Sulu at sa isang Mosque sa Zamboanga City.
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, pinag-iingat din ang mga pasahero at isumbong ang mga kaduda-dudang mga foreigners na mapapansin nila sa paliparan.
Sabi nga, bantayan!
Ipinakalat naman ni MIAA General Manager Ed Monreal, ang mga k-9 bomb at drugs sniffing dogs sa lahat ng terminal sa NAIA.
Sa ngayon normal ang flight operations sa lahat ng international at domestic terminals sa NAIA.
Nakakalat din ang mga Airport Police at PNP Aviation Security Group sa airport para mag-monitor.
Ika nga, hindi dapat matakot o mag-alala ang mga pasahero sa paliparan.
Abangan.