‘Holiday heart syndrome’

Ngayong Kapaskuhan, muling­ nagpapaalala ang BITAG­ sa publiko lalo na sa may mga heart condition at metabolic syndrome.

Mga sakit o dinaramdam ng isang indibidwal tulad ng alta-presyon o high-blood pressure, diabetes, sakit sa bato, sakit sa atay at mga kauri nito.

Ayon sa mga dalubhasang doktor, nakukuha ito sa sobrang pagkain lalo na ng mga matataba, maaalat, mata­tamis, maging sa sobrang pag-inom ng alak.

Lagi rin itong all points bulletin ng Department of Health (DOH) tuwing “ber” months. Ang tawag dito, holiday heart syndrome.

Baka hindi nga kayo matigok sa matinding depresyon o holiday blues pero baka madedo naman kayo sa sobrang saya sa dami ng mga nakahaing pagkain sa mesa.

Sa estatistika ng mga dalubhasa, tumataas ang bilang ng mga isinusugod sa ospital tuwing Disyembre.

Subalit, sa ganitong buwan din kadalasang umaalis at nagbabakasyon ang mga magagaling at beteranong doktor sa mga pagamutan. Mga baguhang doktor lang ang madalas na naiiwang tumatao sa mga ospital.

Kaya ngayon pa lang, doble ingat na sa inyong mga kinakain. Kumunsulta agad sa mga doctor. Hindi ‘yung magpapatingin lang kapag may nararamdaman na sa katawan at kung kailan malala na.

Higit sa lahat, kasabay ng pagiging maingat sa inyong mga kinakain, iminumungkahi rin ang pag-eehersisyo upang maiwasan ang holiday heart syndrome.

Mag-ingat, mag-ingat.

Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan tuwing alas 10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV. Para sa iba pang mga palabas, mag-subscribe sa BITAG OFFICIAL YouTube channel.

Show comments