“SEMENTO ang aming higaan. Langit ang aming bubong. Kami ang laman ng bangketa umulan o umaraw dahil wala kaÂming tahanan sa lipunan.â€
Nakahiga na ang mag-iina sa isang pwesto sa tapat ng isang bangko sa UN Avenue ng makarinig sila ng sigawan mula sa malayo. Hindi na nila pinansin ito.
May nakita silang bata na sumisigaw at nagtatakbo… “May sinaksak! May sinaksak!†Mag-uusisa sana si Debbie subalit naisip niyang ‘wag na dahil magkakasama na sila.
Kinabukasan, naabutan na lang ni Debbie ang anak na dinadampot ng mga pulis. Mabilis niyang hinatak ang uniporme ng pulis at sinabi, “‘Wag po! ‘Wag po niyong dalhin ang anak ko… Wala pong kasalanan yan!â€
“Sangkot sa krimen ito. Sa presinto na lang kayo sumunod para malaman niyo ang ginawa nito,†sabi raw ng pulis.
Mistulang bahay-bahayan ang tirahan ni Debbie Quinto, 45 anyos at dalawang anak na menor de edad, si “Jeff†(di tunay na pangalan), 17 anyos at bunsong 7 taong gulang.
“Dalawang taon na rin kaming natutulog sa labas ng isang banko sa UN Avenue…†wika ni Debbie.
Dating residente si Debbie ng Pag-asa, likod ng SM North. Umuupa siya run ng isang kwarto sa halagang Php2,500.
“Sales clerk ako nun sa mall isang taon lang ang tinagal ko run. Nakilala ko si Carlo,†kwento ni Debbie.
Si Carlo Pineda, nagtatrabaho sa real estate ang nakarelasyon ni Debbie. Nagsama sila sa Pag-asa at mabilis na nabuntis si Debbie… isinilang niya si Jeff.
Isang taon pa lang ang kanilang anak ng maghiwalay sila.
“Nagtinda na ako ng kendi at sigarilyo sa labas ng SM,†sabi ni Debbie.
Mula Pag-asa lumipat ang mag-ina sa Padre Faura, UN Ave.
Tumulong si Debbie sa mga tao sa pagpa-park ng kanilang kotse sa UN. Binabantayan din niya ang mga ito. Dito naman niya nakilala si Ryan Ronquillo, nagpaparking din ng mga pribadong sasakyan sa UN.
Nagkaroon ng relasyon sina Debbie at Ryan. Nabuntis ulit si Debbie. Taon lang ang nagdaan naghiwalay ulit sila nitong lalaki.
Naiwan ulit kay Debbie ang anak nila ni Ryan.
Taong 2012, nasunog ang inupahang kwarto nila Debbie sa Padre Faura.
Mula nun hindi na sila nakaupa ng kwarto. Sa labas ng banko sa UN Avenue na sila nagpapalipas ng gabi. Karton lang ang katapat, mairaos lang ang antok. Kasama ni Debbie si Jeff at bunso niyang 7 taong gulang dito.
Grade 5 lang ang inabot ni Jeff sa pag-aaral matapos itong mabarkada. Taong 2013 ng mamasada ito ng padyak.
Ika-16 ng Mayo 2014, 7:00AM, habang kumakain si Jeff at kapatid sa karinderya at pasunod naman si Debbie para kumain din, nadatnan na lang niya si Jeff na pinapasok sa kotse ng dalawang pulis ng Pedro Gil.
“Bakit ano pong nangyari,†tanong niya sa kanilang kapitan na si Danny Gonzalo, naiwan nun sa karinderya.
Ayon umano sa kapitan, may dalawang taong nakapagturo kay Jeff, isang babae at gwardiya ng Seafood Market na si Jeff umano ang nanaksak sa isang ‘greek national’ sa Orosa St. Dinala sa Presinto si Jeff. Tinuro raw siya ng umano’y saksi na isa sa limang sumaksak.
“Ang kwento nakita nilang tumakbo anak ko mula sa lugar ng pinangyarihan ng krimen hanggang Arquiza St.,†pahayag ni Debbie.
Kinahapunan dinala sa Municipal Social Welfare Development (MSWD), Lawton si Jeff.
Alas otso ng gabi parehong araw, kwento ni Debbie pinuntahan siya ng kanilang kapitan at sinabing samahan siyang humingi ng kopya ng CCTV footage ng Hizon Bakeshop katapat ng Seafood Market kung saan nakita ng gwardiyang nanakbo ang anak.
Bitbit ang litrato ng mga hinihinalang kabataan na umano’y sangkot sa pagsasaksak sa dayuhan, ibinigay niya nito sa gwadiya ng Hizon at hiniling na panuorin ang CCTV footage mula 4-5:00 ng umaga kung kailan nangyari ang krimen. Hindi umano si Jeff ang nakitang tumakbo… ibang bata umano taga ibang barangay, kwento ni Debbie.
Hindi na malaman ni Debbie ang gagawin kaya’t dumiretso siya sa MSWD araw ng Sabado para makausap ang anak.
“Hanggang tanaw lang ako hanggang Lunes,†pahayag ni Debbie.
Martes nagpasa ng mga dokumento si Debbie sa MSWD. Dito niya lang daw nalamang ‘alleged stubbing’, under close watch daw itong si Jeff.
“Di raw mapapauwi ang anak ko dahil ipapakita siya sa biktima ‘pag umayos ang lagay para malaman kung kasama siya sa nanaksak,†ani Debbie.
Nakausap niya si Jeff, “Mama wala naman akong kasalanan…†paulit-ulit na sabi ng anak.
Ayon kay Debbie, nauna pa matulog ang anak sa kanya nung gabing iyon. May mga saksi rin daw na maaring magpatunay na tulog si Jeff nun.
Gustong malaman ni Debbie ang ligal na hakbang maaaring gawin kaya’t nagsadya siya sa aming tanggapan. Itinampok namin siya sa ‘CALVENTO FILES’ sa radyo. Ang “HUSTISYA PARA SA LAHAT†ng DWIZ882KHZ(Lunes-Biyernes mula 2:30-4:00PM at Sabado 11:00-12:00NN).
Para maliwanagan kami sa kaso nitong si Jeff, tumawag kami sa MSWD, Lawton, nakausap namin si Jasmin Bacani, house parent sa MSWD.
Ayon kay Ms. Bacani, for temporary shelter lang ang pagkupkop nila kay Jeff. Tatagal lang daw itong ng dalawa hanggang tatlong araw.
Hinihintay lang daw nila ang ina ni Jeff para maibalik siya sa magulang.
SA AMIN DITO SA CALVENTO FILES, kay Debbie na rin mismo nanggaling na sa ngayon iniimbestigahan pa rin ang kaso at kailangan pang iharap sa biktima si Jeff ‘pag umayos ang kundisyon nito. Pinaalala namin kay Debbie na kapag dumating ang panahon at nasama itong si Jeff sa kaso kailangan talaga siyang ibalik sa MSWD dahil siya’y 17 anyos pa lang. Susuriin kung siya nga ang gumawa at alam ba niya ang bigat ng kasalanan na yun?
Kapag napatunayan na naiintindihan niya ang kanyang ginawa, hindi pa rin siya pwedeng ikulong. Sasailaim siya sa mga programa o redirection program kung magkakaroon ng rehabilitation sa tulong ng mga social workers na humahawak sa mga batang lumalabag sa batas (Children in Conflict with the Law). Bilang tulong ni-refer namin si Debbie sa MSWD para makuha itong si Jeff. Kinabukasan, masayang binalita sa amin ni Debbie na nabawi na niya ang kanyang anak. (KINALAP NI MONIQUE CRISTOBAL) SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal magpunta sa 5th floor CityState Centre bldg. Shaw Blvd., Pasig. O magtext sa 09213263166, 09213784392, 09198972854. Landline 6387285 / 7104038.
Hotlines: 09213263166, 09198972854
Tel. Nos.: 6387285, 7104038