EDITORYAL - Daming gov’t agencies bagsak sa anti-red tape test
NOONG nakaraang taon, nagsagawa ang Civil Service Commission (CSC) ng anti-red tape test sa mga ahensiya ng gobyerno. Ang test ay isinagawa sa pamamagitan ng Report Card Survey (RCS). May questionaires na pinasasagutan sa mga taong nakipag-transact sa government offices. Kabilang sa mga tanong sa surbey ay: 1. Ino-observe ba ang anti-fixing campaign; 2) Nakasuot ba ng ID ang empleado ng gobyerno; 3) Mayroon bang patagong transaction costs; 4) Meron bang mga personnel na nangangasiwa o uma-assists sa mamamayang nakikipag-transact; 5) Mayroon bang complaint desks; 6) Ino-observe ba ang no noon break policy; 6) Sapat ba ang pasilidad; at 7) Maayos ba o may kalidad ang serbisyo.
Nang lumabas ang resulta ng surbey sa anti-red tape test, 67 ahensiya ng gobyerno ang bagsak. NaÂngunguna sa mga bumagsak ang Land Registration Authority (LRA), Land Transportation Office (LTO) at National Prosecution Service (NPS) na nasa ilalim ng Department of Justice (DOJ). Nakapagtataka namang noong 2012 surbey ang LTO ay isa sa mga nakapasa ganundin ang Social Security System (SSS). Ang SSS ay hindi nakapasa sa 2013 survey.
Hindi naman nakapagtataka kung manguna ang LRA sa pinaka-worst na ahensiya. Sa pinaka-main office nito sa East Avenue, Quezon City ay kapansin-pansin na walang pagmamalasakit sa mga taong nakikipag-transact. Sa tanggapan nila kung saan nagre-request ng mga kopya ng TCTs ang mamamayan, ang mga upuan ay halos bumagsak na. Kapag nagkamaling umupo ang mga kliyente, tiyak na maaaksidente. Wala ring nag-aassist sa mga may problema sa kanilang dokumento. Inaabot ng isang linggo ang nire-request na photo copy ng TCT gayung maaari namang gawin ng dalawa o tatlong araw.
Hindi rin naman nakapagtataka na ang LTO ay kabilang sa pinaka-worst sapagkat maraming empleado rito ang hindi makapagsilbi sa mamamayan kung walang kapalit na pera. Nangingibabaw pa rin na kailangang may “padulas†para madali ang pag-aayos ng dokumento o mga papeles.
Mamamayan muna hindi mamaya na. Ito ang slogan na kadalasang makikita sa mga tanggapan. Pero hindi na ito nasusunod. Kadalasan, ang nangyayari ay kung sino ang may ipadudulas na pera, iyon muna.
Sabi ng CSC, isasailalim daw sa training at seminar ang mga tauhan ng tanggapan na bumagsak sa anti-red tape test. Sapat kaya iyon?
- Latest