^

PSN Opinyon

Zambales teritoryo pa ba ng Pilipinas?

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

BAHAGI pa ba ang Zambales province ng Pilipinas -- o sa China na? Nagtatanong ang mga Zambaleño, dahil pinamimigay ng local officials ang likas na yaman nila sa mga Chinese.

Sa Barangay Maloma, bayan ng San Felipe, naglipana ang black sand mining. Ilegal na hinihigop ng higanteng hoses ng Chinese vessels ang buhangin sa tabing-dagat. Walang binabayarang royalties o buwis para sa likas na yaman -- suhol lang. Sa China, hinihiwalay sa hinakot na buhangin ang maitim na magnetite, na ginagamit sa bakal at telecoms gadgets, tulad ng armas at pang-espiya. Ginagamit ng China ang mga pandigma para agawin ang Bajo de Masinloc, na bahagi ng Zambales.

Patuloy rin ang ilegal na nickel mining, maski ipinahinto ng Korte Suprema nu’ng Hulyo kina Environment Secretary Ramon Paje at Gov. Hermogenes Ebdane. Nauna rito, naglabas si forester Paje ng legal opinion na maari mag-isyu ang mga gobernador ng small-scale mining permits sa labas ng kani-kaniyang Minahang Bayan ng mga probinsiya. Sinamantala ito ni Ebdane, dating loyalist deputy ni Cory Aquino, nanay ni President Noynoy Aquino, sa Presidential Security Group. Sa loob ng isang araw nu’ng 2011, pinirmahan ni Ebdane ang 93 na mining permits. Kunwaring small-scale, fronts lahat ito ng limang giant Chinese miners.

Muli, walang royalties o buwis na ibinabayad, suhol lang. Sa China, pino-process ang nickel ore para sa steel, na ginagamit panggawa ng warships, kanyon, bala, at pang-espiya. Laspag na ang bundok, gubat, ilog, at dagat sa mga bayan ng Masinloc at Sta. Cruz. Sakitin at gutom ang mga taga-baryo. Kapag mangisda sila malapit sa Bajo de Masinloc, kinakanyon sila ng Chinese warships.

Makapili collaborators nu’ng 1941; mga tuta ng Chinese ngayon.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM). E-mail: [email protected]

BAJO

CORY AQUINO

EBDANE

ENVIRONMENT SECRETARY RAMON PAJE

HERMOGENES EBDANE

KORTE SUPREMA

MASINLOC

MINAHANG BAYAN

SA CHINA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with