ANG Mindanao ay nahaharap sa iba’t ibang threat groups hindi kagaya ng Metro Manila at ibang bahagi ng bansa na ang pinaka-malaki nilang problema ay ang kriminalidad lamang.
Hindi na kaila na parating nakikita sa mga TV reports na laganap ang krimen sa Metro Manila at karatig lalawigan nito.
Ngunit kung ang pag-uusapan ay Mindanao, talagang ibang perspective na ‘yon dahil lumalabas na sari-sari ang mga naging security problems sa katimugan.
May tinatayang lima o anim na threat groups sa MinÂdanao --- andyan ang Moro Islamic Liberation Front, ang New People’s Army, Moro National Liberationt Front, Abu Sayyaf, bandits at maging mga sindikato at iba pang mga kriminal. Andyan pa ang Bangasamoro Islamic Freedom Fighters na nagbibigay dagdag sakit ng ulo sa mga taga North Cotabato.
Naging sentro ng atensyon ang higit tatlong linggong standoff sa Zamboanga City sa pagitan ng government troops at ng mga MNLF forces.
At walang humpay din ang pag-atake ng mga NPA maÂging ng mga MILF at BIFF forces sa kanilang kanya-kanyang targets sa Central at Southern Mindanao.
Andun na rin ang sunud-sunod na pambobomba sa key cities ng Mindanao.
At alam ng lahat ang karahasan na ginagawa ng Abu Sayyaf sa may bandang Western Mindanao.
At hindi maiwasang isipin na ang Mindanao ay sadyang pinaglalaruan din ng mga grupong may iba’t ibang interest din. Masyado nang inaabuso at pinagsamantalahan ang Mindanao maging ng mga nasa pamahalaan.
At may threat groups pa na kung tutuusin kinabilangan ng mga may interest gaya ng United States of America. Naglalaro ang mga Kano rito sa Mindanao sa pakisawsaw nila sa military operation ng ating Armed Forces of the Philippines.
Ang kamay ng ating mga karatig bansa na Indonesia at Malaysia ay lumalabas din sa kung paano sila naging bahagi ng peace process sa Mindanao.
Maraming balakid sa minimithing kapayapaan sa MinÂdanao at kasama na rito ang problemang dulot ng mga nasabing threat groups.