Ang pagbubulag-bulagan ni Recom Echiverri

NAKAPAPASO na ang takbo ng politika sa lahat ng sulok ng bansa, kasi nga ang dating magkakaibigan noon, nga-yon ay magkaaway na mortal. Ang resulta puro dungis ang ipinararating sa mga botante sa tuwing magtatalumpati ang mga ito sa intablado. Katulad na lamang noong Linggo sa political rally ni dating President Joseph Estrada sa Liwasang Bonifacio na kung saan ay puro paninira kay Mayor Lim ang ipinukol. Maging si Vice Mayor Isko Moreno ay puro sad story rin ang binitawang talumpati kasama na ang pangha-harass sa kanya ng mga pulis noong arestuhin siya sa pa-bingo sa Paco at Tambunting. Mukhang hindi lumingon si Moreno sa kinahahantungan niya sa ngayon. Kasi nga kung ang Manileños ang tatanungin, kulang ang serbisyong ipinagkaloob ni Moreno sa mga mahihirap ng Maynila mula noong maging vice mayor ito hanggang sa kasalukuyan.

Nag-ugat umano ang gigil ni Moreno kay Lim nang paimbestigahan ito hinggil sa 15/30 employees sa kanyang opisina at maging sa mga barangay. Kaya ang dating malagkit nilang pagsasama ni Lim ay nahalukay at naghiwalay ang kanilang landas. Ngunit kung tatanu-ngin ang Manileños, papayagan ba nilang maghari ang kapangyarihan na puro sugal at paglalasing ang mamumuno sa kanila?

* * *

Sa Caloocan naman mga suki, malaking dagok itong isyung ipinupukol kay re-electionist Recom Echiverri hinggil sa pagbubulag-bulagan sa Chill Hotel. Kasi nga, nga-yong halos araw-araw may sunog na nagaganap sa lahat ng sulok ng Metro Manila ay binabalewala niya ang pagpapa-inspection sa mga gusali sa kanyang nasasakupan.

Ayon sa sumbong na nakarating sa akin, may P200,000 transaksyon palang naganap sa tanggapan ni Fire

Marshall Jerremy Diaz at management ng Chill Hotel. Isang nagngangalang Fire Officer Bautista umano ang ka-transaksyon ng isang nagngangalang Mr. Viray upang maayos na ang pagkukulang sa requirement ng Fire Safety Inspection Certificate. Bagamat mabilis umaksyon si PBLO chief Melanie Soriano sa reklamong ipinukol ko sa kanya, hindi sapat ito sa mga taga-Caloocan City. Dahil hindi lamang si Ms. Soriano ang may kapangyarihan na ipasara ang Chill Hotel. Kasi nga kailangan dito ang kamandag ni Echiverri na magmamando sa masusing imbestigasyon ng gusali at electrical plan.

Ngunit mukhang super lakas si Diaz sa tanggapan ni Echiverri kaya walang nangyayaring imbestigasyon at kung mayroon man, bola-bola kamatis lamang ito. At hindi lamang ito ang sumbong na nakarating sa akin dahil may isang nagnganga­lang Lawrence Villanue­va umano ang naglatag ng tu­mataginting na datung para sa kandidatura ni Echi­verri. Kaya naman pala hin­di kataka-taka na maging si Echiverri ay nabulag at na-ging bingi na rin sa reklamo hinggil sa pamamayagpag ng operasyon ng Chill Hotel. Kaya sa mga taga-Ca­loocan City Hall at Chill Hotel, bukas ang pahinang ito na sagutin ang reklamong ipi­nararating sa inyo nang maibsan ang pa­ngamba sa patuloy na pag-init ng panahon. Abangan!

 

Show comments