^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Wala na kayang puwersahang mawawala?

Pilipino Star Ngayon

MARAMING nawala noong martial law. Puwersahang dinukot. At mula noon ay hindi na nakita. Hanggang ngayon, maski ang kanilang mga buto ay hindi na natagpuan.

Mga sundalo ni President Ferdinand Marcos ang itinuturong may kagagawan nang puwersahang pagkawala. Karamihan sa kanila ay mga estudyante, manggagawa at iba pa na nagpakita ng paglaban kay Marcos. Binigyan ni Marcos ng lisensiya ang mga sundalo para puwersahang damputin ang mga kalaban niya. May mga natagpuan sa talahiban makaraang i-abduct. Butas ang noo at tadtad ng bala ang katawan. Mayroong inilibing sa hanggang tuhod na hukay. May mga pinagbabaril habang tumatakbo. Mayroong tinorture hanggang sa mamatay. Lahat sila puwersahang hinuli. Masu-werte kung nakita pa ang bangkay makaraang hulihin pero mas marami ang hindi na nakita at ibinilang sa sinasabing “desaparecidos”.

Pero kahit na napatalsik na si Marcos noong 1986, patuloy pa rin ang pagkawala nang marami. Marami pa rin ang naglahong parang bula. At ang mga itinuturong may kagagawan ng pagkawala ay mga sundalo.

Kabilang sa mga puwersahang dinakip at nawala ay si Jonas Burgos, anak ng namayapang mamamahayag na si Joe Burgos. Mga miyembro ng military ang umano’y kumidnap kay Jonas sa isang mall sa QC. Hanggang ngayon, hindi pa nakikita si Jonas.

Kabilang din sa dinakip at nawala ang dalawang UP students na sina Karen Empeño at Sherlyn Cadapan. Military din ang pinaghihinalaang dumukot sa dalawa. Isinasangkot si retired Army general Jovito Palparan sa pagkawala ng dalawang estudyante.

Noong Huwebes, nilagdaan ni President Aquino ang Republic Act 10350 kung saan, criminal offense na ang enforced disappearance. Tamang-tama ito lalo sa panahon ngayon na patuloy ang pagdukot. Pero mas magiging maganda kung mahuhuli at iimbestigahan ang mga military men na sangkot sa puwersahang pagkawala. Dapat silang panagutin.

HANGGANG

JOE BURGOS

JONAS

JONAS BURGOS

JOVITO PALPARAN

KABILANG

KAREN EMPE

MAYROONG

NOONG HUWEBES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with