NPC pumalag sa live coverage ban

DISMAYADO ang National Press Club of the Philippines (NPC) sa pagbawi ng Korte Suprema sa naunang desisyon na payagan ang “live coverage” sa paglilitis sa 2009 “Ampatuan Massacre” case. Sino ba ang di madidismaya. Pati nga si Justice Secretary de Lima  ay kinukondena ang pasyang ito ng court of last resort.

Nakalulungkot talaga. Inamin ng SC na mas kinakatigan nito ang karapatan ng mga akusado kaysa karapatan ng pamamahayag. Maagap na pinakilos ni NPC prexy Benny Antiporda, si Atty. Mike Mella, legal counsel ng NPC, na pag-aralan ang mga “legal options” at agad na magsampa ng apela.

Tatlong taon nang usad pagong ang kasong ito na itinuturing na pinakamalaking “media killing” sa kasaysayan ng buong mundo.  Mantakin ninyong mahigit 50 media practitioners kasama ang maraming iba pa ang niratrat nang maramihan at ibinaon sa lupa gamit ang isang backhoe. Karumal-dumal!

Iniisip tuloy ng iba na gumagalaw sandamakmak na milyones ng mga Ampatuan sa kasong ito kaya hindi matapus-tapos.

Ani Antiporda, mas “pabor” sa interes ng mga suspect, ang “Ampatuan clan,” na ipatigil ang pagsubaybay ng media sa paglilitis.

Hindi ordinaryong kaso ito at interesado ang buong bansang Pilipinas kaya kailangan na ang proseso ay mapakinggan ng taumbayan para walang mangyaring pagliligwak o whitewash. Kaya tamang hakbang ang ginawa ng NPC na idinadalangin nating diringgin ng pinagpipitaganan nating  Korte Suprema.

 Sabi nga ni Benny, kailangang irekonsidera ng SC ang bago nitong desisyon  upang mabura  ang espe­kulasyon na may nangyayaring “misteryo”  o lihim na ne­ gosasyon.

 

 Naniniwala naman ako na ang isang Korte Su- prema sa pamumuno ni Chief Justice Ma. Lourdes Sereno na kilalang maka-diyos ay makikita ang sentido ng pag-apela ng NPC.

Show comments