^

Metro

Kelot, tiklo sa higit P1.6 milyong high-grade marijuana

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Kelot, tiklo sa higit P1.6 milyong high-grade marijuana
Sa ulat ni Eastern Police District (EPD) Director PBGen. Aden Lagradante, nakilala ang nahuling drug suspek sa alyas “Buknoy” na taga-Pateros subalit naaresto sa ikinasang buy-bust operations sa Brgy. Pinagbuhatan.
Miguel de Guzman, File

MANILA, Philippines — Kalaboso ang isang lalaking delivery rider matapos maaktuhang nagbebenta ng mahigit isang kilo ng “KUSH” o high-grade marijuana sa Pasig City na nagkakahalaga ng P1.6 milyon.

Sa ulat ni Eastern Police District (EPD) Director PBGen. Aden Lagradante, nakilala ang nahuling drug suspek sa alyas “Buknoy” na taga-Pateros subalit naaresto sa ikinasang buy-bust operations sa Brgy. Pinagbuhatan.

Ayon kay Lagradante na matagal nang tinitiktikan ang naturang high value target sa iligal nitong operasyon kaya’t agad na itong dinakma nang positibo ang pagbili sa kaniya ng poseur-buyer na pulis.

Nakumpiska kay “Buknoy” ang naturang iligal na droga na nagkakahalaga ng P1,650,000.

Inihahanda na ng Pasig City Police ang pagsasamapa ng kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002.

MARIJUANA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with