^

Metro

Higit P219 milyong ‘paihi’ diesel nasabat ng BOC

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang motor tanker na kargado ng mahigit P219.5 milyong halaga ng puslit o “paihi” na diesel ang na-impound ng Bureau of Customs (BOC), sa La Union Port.
Batay ulat, nakatanggap ang BOC-Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) sa Manila International Container Port ng intelligence reports, kaya kaagad nagkasa ng operasyon, sa pakikipag-ugnayan sa Philippine Coast Guard (PCG) Task Force Aduana at ng National Bureau of Investigation’s Organized and Transnational Crime Division (NBI-OTCD).

Alas-9:45 ng gabi noong Hunyo 19, 2025 ay naaktuhan mga tauhan ng MT Bernadette habang nagsasalin ng diesel sa dalawang lorry truck kaya kinumpiska ang nasa 259,000 litro ng diesel fuel.

Nasa 21 ang inaresto kabilang ang 11 indibidwal na sangkot sa operasyon na kinabibilangan ng mga truck driver, porter, at lookout.

Babala ni BOC Commissioner Bienvenido Rubio, ang nasabing aktibidad ay hindi lamang nakaka-epekto sa ekonomiya dahil sa hindi pagbabayad ng buwis, kungdi nanganganib ang mga Filipino consumers sa “unmarked” fuel na posibleng hindi ligtas gamitin.

BOC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with