Tuwing ‘Bawas Pasada’ Malabon LGU naghanda ng 11 ‘Libreng Sakay’
MANILA, Philippines — Bilang paghahanda sa mga “Bawas Pasada” ng mga transport groups, nakaantabay na ang 11 “libreng sakay” ng Malabon City Government.
Ayon sa Public Safety and Traffic Management Office (PSTMO), handa na ang isang bus, isang L300 van, dalawang Travis vans, tatlong APVs, dalawang sasakyan mula sa Malabon Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), at dalawang tow trucks.
Ilalagay ang mga nasabing sasakyan kung saan madalas nai-stranded ang mga pasahero.
Ang mga nasabing sasakyan ay mula sa iba’t ibang departamento kabilang ang PSTMO, MDRRMO, Mayor’s Complaint and Action Team, at General Services Department.
“Upang mabawasan ang alalahanin ng ating mga residente, lalo na ng mga commuter, magpapatupad tayo ng ‘Libreng Sakay’ gamit ang mga sasakyan ng pamahalaang lungsod para tumulong sa mga maaapektuhan ng Bawas Pasada. Prayoridad natin ang inyong kaligtasan at kapakanan,” ani Sandoval.
Kailangan lamang aniya na makipag-ugnayan sa Office of the Mayor kung may kailangang tulong.
Samantala, tiniyak din ni Sandoval na sa pamamagitan ng Malabon Jeepney Transport Service Cooperative (MAJETSCO) na hindi makaaapekto ng malaki sa mga commuter “Bawas Pasada”.
“Palagi tayong handa sa mga ganitong sitwasyon at ibibigay natin ang ating buong makakaya para sa kaginhawaan at kaayusan sa lungsod,” ayon kay City Administrator Dr. Alexander Rosete.
- Latest