^

Metro

Torre sa mga pulis: 911 hotline, i-promote

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Torre sa mga pulis: 911 hotline, i-promote
Philippine National Police (PNP) Chief General Nicolas Torre III is welcomed by Commission on Human Rights (CHR) chairperson Richard Palpal-Latoc and commissioners as the guest speaker for the flag raising ceremony at the CHR Main Office in Quezon City on June 9, 2025.
Miguel de Guzman / The Philippine STAR

Ipromote 911 hotline. 

MANILA, Philippines — Ito naman ang panawagan ni  Philippine National Police (PNP) Chief PGen. Nicolas Torre III  sa kanyang mga tauhan bilang sagot sa paghingi ng tulong.

Ayon kay Torre, kailangan na maging pamilyar ang lahat  na operational na ang 911 na kaagapay sa oras ng krisis.

Bagamat maganda ang  feedback ng publiko 5 mi­nute response time rule, marami mga kababayan pa rin ang hindi pa nakakaalam na epektibo na ang paggamit sa naturang emergency hotline.

Sa naging flag ceremony sa kampo kahapon ng  umaga, nagulat ang hepe dahil maraming kababayan pa ang hindi nakakaalam na nagagamit na ang 911 hotline at hindi naniniwala na gumagana ang naturang hotline.

Dahil dito, nanawagan na ng tulong si Torre sa kaniyang mga pulis na i-endorso at muling imungkahi sa publiko na nagana at nagagamit na ang hotline.

Ipakita rin aniya ng kanilang hanay na sa pamamagitan ng paggamit sa 911 ay mabilis nang makokontak ang mga pulis para rumesponde sa kanilang mga pangangailangan at mga emerhensiya.

Samantala, naging masaya naman ang hepe na naging positibo ang mga naging feedback ng publiko. Indikasyon lamang aniya ito na nakikilala ng publiko ang serbisyong ginagawa ng kanilang hanay para mapanatili ang kapayapaan at kaligtasan ng mamamayang Pilipino.

PNP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with