Busway sa España-Quezon Ave. route, pinag-aaralan ng DOTr

MANILA, Philippines — Pinag-aaralan na ng Department of Transportation (DOTr) ang posibilidad na maglagay na rin ng busway para sa rutang España Boulevard, sa Maynila hanggang Quezon Avenue sa Quezon City.
Ayon kay DOTr Secretary Vince Dizon, ito ay magiging kahalintulad ng EDSA busway model o ang EDSA Bus Rapid Transit (BRT) System.
Aminado si Dizon na may kakulangan ng mga bus sa naturang lugar, partikular na para sa mga estudyante kaya’t nais nilang masolusyunan ito.
“We need more of those (BRTs). To me, the most viable and the most needed one is España to Quezon Avenue. That is very important. Busway at España, Quezon Avenue. That is going to be very viable…That’s wide enough for a busway,” ani Dizon.
Target aniya ng DOTr na matapos ang feasibility study para sa proyekto hanggang sa taong 2026.
Posible rin aniyang i-operate muna ito ng pamahalaan bago isapribado ang operasyon at maintenance nito.
Hindi rin naman ito mahirap na itayo tulad ng EDSA busway na pandemic lamang nang isagawa.
- Latest