^

Metro

Mag-ina na magkaangkas sa motorsiklo, todas sa truck

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Mag-ina na magkaangkas sa motorsiklo, todas sa truck
Sa ulat ng Southern Police District (SPD), ang mga nasawi ay magka-angkas sa motorsiklo na kinilala sa alyas na “Jade”, 15-anyos; at “Rhecy”, 40-anyos.
Philstar.com / File

MANILA, Philippines — Dead-on-the-spot ang isang 15-anyos na lalaki at kaniyang ina nang mabundol ng truck at masagasaan, sa northbound lane sa Buendia-Os­meña Flyover, bahagi ng Barangay San Antonio, Makati City, Sabado ng hapon.

Sa ulat ng Southern Police District (SPD), ang mga nasawi ay magka-angkas sa motorsiklo na kinilala sa alyas na “Jade”, 15-anyos; at “Rhecy”, 40-anyos.

Dakong alas-4:30 ng hapon ng Hunyo 14, 2025 nang maganap ang insidente sa nasabing flyover habang ang truck at motosiklo ay kapwa bumabagtas sa northbound lane na nagmula sa Arnaiz ­Avenue patungo sa Zobel Roxas St. nang mabundol ng truck ang kaliwang bahagi ng motorsiklo.

Nawalan ng balanse ang motorsiklo bunsod ng pagkabundol kaya bumagsak sa kalsada ang mag-ina at nasagasaan ng huling kanan na gulong ng truck ang katawan ng driver at ulo ng backrider na siya ng mga itong dagliang ikinamatay.

Isinailalim na sa kustodya na ng Makati Traffic Bureau ang driver ng truck, na sinasabing nagtuluy-tuloy sa pag-arangkada at naharang sa bahagi ng Maynila.

SPD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with