^

Metro

2 Suspect sa pagpatay sa bebot timbog

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
2 Suspect sa pagpatay sa bebot timbog
Kinilala ni Valenzuela Police OIC chief P/Col. Relly Arnedo ang mga naarestong suspect na sina alyas “Jun-jun”, ng Tampoy St., Brgy. Marulas at alyas “Charlie”, na driver umano ng motorsiklo habang tinutugis pa ang isang alyas “Jeff” na sinasabing bumaril sa biktima.
Philstar.com / Jovannie Lambayan

MANILA, Philippines — Naaresto na nang mga operatiba ng pulisya ang dalawang suspect na umano’y sangkot sa pagpatay sa isang 34-anyos na babae  habang patuloy pa ring pinaghahanap ang itinuturong gunman sa Valenzuela City.

Kinilala ni Valenzuela Police OIC chief P/Col. Relly Arnedo ang mga naarestong suspect na sina alyas “Jun-jun”, ng Tampoy St., Brgy. Marulas at alyas “Charlie”, na driver umano ng motorsiklo habang tinutugis pa ang isang alyas “Jeff” na sinasabing bumaril sa biktima.

Bandang alas-5:55 ng hapon nitong nakalipas na Huwebes nang pagbabarilin ng isa sa riding-in-tandem ang biktimang si Jennelyn Ramos ng Brgy. Marulas sa panulukan ng F. Bautista St. at McArthur Highway, Brgy. Marulas na nagresulta sa daglian nitong kamatayan sanhi ng tinamong mga tama ng bala sa ulo at katawan.

Sa pahayag sa pulisya ni alyas “Anthony” 42, dating kinakasama ng biktima ay ginastos at hindi umano nai-remit ng biktima sa isang alyas “Buchoy” ang drogang nagkakahalaga ng P25,000 noong Mayo 3 na siyang motibo ng krimen.

Nabatid na nakatanggap ng tip ang mga pulis mula sa mga kaanak ni ‘Jun-jun’ sa presensya nito sa lugar kaya agad nagsagawa ng follow-up operation ang mga operatiba ng pulisya at nasakote ito.

Samantalang sa interogasyon ay ikinanta naman ni Jun-jun sa mga pulis ang kanya umanong mga kasab­wat na sina ‘Jeff’ at ‘Charlie’, na kapwa nagtatago sa Northville, Barangay Canumay West. Nasakote naman sa follow-up operation si Charlie.  

ARRESTED

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with