Quezon City LGU target zero child labor sa taong 2028

MANILA, Philippines — Target ng Quezon City LGU ang zero child labor sa taong 2028.
Ito naman ang binigyan-diin ni Matthew Valdeavilla ng QC PESO kaugnay ng paggunita sa 2025 World Day Against Child Labor kaya patuloy na sinisikap ng pamahalaang lungsod na matugunan ang problema ng child labor sa pamamagitan ng pagpapaigting ng child labor program at mahigpit na pagbabawal sa ‘child labor’.
Sa ginanap na pagdiriwang kasabay ng Araw ng Kalayaan, pinananawagan ang karapatan ng bawat bata na makapag-aral, makapaglaro, mangarap at hindi mabiktima ng ‘child labor’.
Ayon kay Valdeavilla, mula sa 10,000 child laborers na na-monitor ng QC LGU noong 2022, bumaba na ito sa 4,500.
Tinutukan din ng QC LGU ang mga ‘child laborers’ na makapasok sa iba’t ibang programa kasama ang scholarship program.
Pinangunahan naman ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang solidarity stand kasama ang iba’t ibang opisyales ng QC kaugnay nang panggunita sa Independence Day.
- Latest