^

Metro

3 bebot na tirador, kalaboso

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dahil sa mabilis na responde ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD), himas rehas ngayon ang tatlong babaeng ‘tirador’ matapos na tangayin ang cellphone ng dalawang babaeng pasahero kamakalawa ng umaga sa nabanggit na lungsod.

Kinilala ni PLtCol. Romil Avenido, Station Commander ng Batasan Police Station (PS 6) ang mga suspek na sina “Cristina”, 42; “Mary Ann”, 39, kapwa mga residente ng Brgy. Minuyan, San Jose Del Monte Bulacan; at “Elizabeth”, 39, ng Camarin Caloocan City.

Batay sa report, nangyari ang insidente nitong alas-6:45 ng umaga nitong Lunes sa panulukan ng Don Fabian St. at Commonwealth Avenue, Brgy. Commonwealth, Quezon City.

Naghihintay ng masasakyang jeep ang dalawang biktima patungong Philcoa nang tangayin ng mga suspek ang mga cellphone ng mga ito.

Naramdaman ng mga biktima ang ginawa ng mga suspek kaya agad na kinorner. Agad na itinawag sa mga  nagpapatrolyang pulis ng Traffic Sector 5 ng District Traffic Enforcement Unit (DTEU) sa ilalim ng panunungkulan ni PLtCol. Josef Geoffrey Lyndon P. Lim, kaya mabilis na nadakip ang tatlong suspek at nabawi ang mga cellphones.

Sa isinagawang beripikasyon sa pamamagitan ng Investigation Solution Automatic Verification (ISAV), nadiskubreng sangkot din sa iba’t ibang kaso ang mga suspek.

Pinuri naman ni QCPD officer in charge PCol. Randy Glenn Silvio ang mga operatiba ng DTEU Sector 5 sa pangu­nguna ni PLt. Allan Erick Bacalzo sa mabilis na aksyon.

QCPD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with