^

Metro

P13.6 milyong halaga ng ‘bato’ nasamsam ng QCPD

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
P13.6 milyong halaga ng ‘bato’ nasamsam ng QCPD
Kinilala ni PLtCol. Romil Avenido, Station Commander ng P6 ang suspek na si “Jessie,” 43, residente ng Antipolo, Rizal.
STAR/File

MANILA, Philippines — Aabot sa P13.6 mil­yong halaga ng shabu ang nasamsam ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) Batasan Police Station 6 mula sa isang high value individual sa ikinasang buy-bust ope­ration kamakalawa ng gabi sa Barangay Batasan Hills, Quezon City.

Kinilala ni PLtCol. Romil Avenido, Station Commander ng P6 ang suspek na si “Jessie,” 43, residente ng Antipolo, Rizal.

Batay sa report na tinanggap ni QCPD DDDA / OIC PCol. Randy Glenn Silvio, bandang alas-9:35 ng gabi nitong Martes nang isagawa ng buy-bust ope­ration sa kahabaan ng San Mateo Road, Brgy. Batasan Hills, Quezon City, sa pakikipag-ugnayan sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Nahaharap ngayon ang suspek sa kasong paglabag sa Sections 5 and 11 ng Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Tiniyak naman ni Silvio na alinsunod sa Triple A Program ni NCRPO chief PMGen. Anthony Aberin, hindi titigil ang QCPD sa pagtugis sa mga sangkot sa kalakalan ng iligal na droga para sa kaligtasan ng bawat mamamayan ng Quezon City.

QCPD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with