^

Metro

3 suspek sa hit-and-run, hawak na ng QCPD

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nasa kustodiya na ng Quezon City Police District (QCPD) ang tatlong suspek na sangkot sa hit-and-run incident na ikinasawi ng isang 61-anyos na lola sa panulukan ng Illinois Street at Aurora Boulevard, Brgy. Silangan, Quezon City nitong Mayo 17.

Sa pangunguna ni QCPD District Director for Administration at Officer in Charge PCol. Randy Glenn Silvio, napasakamay nila si alyas ­“Nomer”, 46, ng Brgy. 179, Caloocan City matapos na sumuko ng gabi ng insidente. Si Nomer ang driver ng Mitsubishi Mirage Sedan at ikatlong sasakyan na nakasagasa sa biktima.

Nasa kustodiya na rin ang pangalawang sasakyan na isang 2019 model Toyota Fortuner na pagmamay-ari ni alyas “Kelvin”, ng San Mateo, Rizal. Kusa itong nagtungo sa DTEU Office noong Mayo 25 para sa imbestigasyon matapos na maisailalim sa flash alarm.

Samantala, sa pamamagitan din ng backtracking at pakikipag-ugnayan sa mga barangay private at residential establishments, natukoy si alyas “Teody”, na driver ng itim na Mitsubishi Xpander at unang nakasagasa sa biktima. Natunton si Teody kaya napilitang sumuko.

Sina Nomer at Kevin ay sinampahan ng kasong Reckless Imprudence Resulting in Homicide habang inihahanda naman ang kasong Reckless Imprudence Resulting in Homicide at Violation of Article 275 (Abandonment of Person in Danger) laban kay Teody sa Quezon City Prosecutor’s Office.

Sinabi ni Silvio na malaki ang kanyang pasasalamat sa LTO, QC LGU, AFP, DPOS, at MMDA na tumulong upang matukoy ang mga suspek.

“Hindi titigil ang QCPD sa pagtutok at pagsugpo sa mga kaso ng reckless driving at iba pang anyo ng kapabayaan sa kalsada. Ito ay bahagi ng aming adbokasiya para sa kaligtasan at kapakanan ng mamamayan,” dagdag pa ni Silvio.

QCPD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with