^

Metro

Senior na hit-and-run ng 3 sasakyan

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Senior na hit-and-run ng 3 sasakyan
Quezon City Map.
Philstar.com / File

MANILA, Philippines — Isang senior citizen ang namatay matapos na ma-hit-and-run ng dalawang magkasunod na SUV at isang Sedan habang tumatawid sa Brgy. Silangan, Quezon City.

Sa naantalang report ng Quezon City Police District (QCPD) Traffic Sector, nangyari ang  pagsagasa sa biktimang  si Rosemarie Orcine, 61, bandang alas-7 ng gabi nitong Sabado (May 17) sa panulukan ng Illinois St., at Aurora Boulevard, sa Brgy. Silangan, sa lungsod.

Makikita sa CCTV na  tumatawid ang biktima nang unang mabundol ng isang itim na SUV na mabilis ding tumakas. Dito ay humandusay na ang biktima kalye.

Makalipas ang ilang segundo, isang puting SUV naman ang nakasagasa sa biktima at tumakas din.

Sa ikatlong pagkakataon, isang sedan na papaliko sa lugar ang muling nakasagasa at kumaladkad sa biktima. Huminto ito upang tignan ang kayang nasagasaan.

Nasa kustodiya na ng QCPD ang driver ng ikatlong sasakyan. Sa pagtatanong ng pulisya  madilim sa lugar kaya hindi nakita ang biktima.

Patuloy ang masu­sing imbestigasyon at follow-up operation na isinasagawa ng QCPD upang matukoy ang mga drayber ng itim at pu­ting SUV na nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide.

“Hinihikayat namin ang sinumang may impormasyon ukol sa mga sangkot na sasakyan o drayber na agad na maki­pag-ugnayan sa pinakamalapit na himpilan ng pulisya o tumawag sa QC Helpline 122”, ani QCPD offi­cer-in-charge at Deputy District Director for Administration PCol. Randy Silvio.

QCPD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with