^

Metro

5 lider ng criminal syndicate sa Japan timbog sa BI

Pilipino Star Ngayon
5 lider ng criminal syndicate sa Japan timbog sa BI
Kinilala ang mga dayuhan na sina Hiraki Ishikawa, 45; Tsubasa Amano, 30; Sasaki Ken, 37; Akira Sambonchiku, 26; Naoto Matsumoto, 35; Rintaro Yamane, 27, at Masato Morihiro, 37.
Philstar.com / Jovannie Lambayan

MANILA, Philippines — Naaresto ng mga ahente ng Bureau of Immigration (BI) ang mga Japanese natio­nals na tinaguriang key figure ng isang kilalang criminal fraud syndicate sa Japan.

Kinilala ang mga dayuhan na sina Hiraki Ishikawa, 45; Tsubasa Amano, 30; Sasaki Ken, 37; Akira Sambonchiku, 26; Naoto Matsumoto, 35; Rintaro Yamane, 27, at Masato Morihiro, 37.

Sina Ishikawa, Amano, Ken, Sambonchiku, at Matsumoto ay nadakip sa isang residential area sa kahabaan ng Quirino highway sa Bulacan habang  sina Yamane at Morihiro ay nakalawit naman sa isang condominium unit sa kahabaan ng Adriatico St. sa Ermita.

Sinabi ni Immigration Commissioner Joel Anthony Viado na ang mga gang leaders ay nahuli ng mga operatiba mula sa fugitive search unit (FSU) ng BI noong Miyerkules.

Ang grupo ay kinilala ng mga awtoridad ng Japan na mga miyembro ng kilalang grupong ‘JP Dragon’, na pinag­hahanap sa kanilang sariling bansa dahil sa malawakang pandaraya.

Modus ng sindikato na magpanggap na mga awtoridad at harasin ang kanilang bibiktimahin na matatanda sa Japan kung saan kukunin ang ATM upang makuha ang mga pera.

Napag-alaman na isang summary court sa Fukuoka, Japan ang naglabas ng arrest warrant laban sa lima na suspek noong Marso 5 dahil sa mga kasong pagnanakaw na isinampa laban sa kanila.

Samantala, napag-alamang si Matsumoto ay isang overstaying alien.

“Ang pag-aresto sa mga pangunahing tauhan na ito sa grupong JP Dragon ay isang malaking panalo para sa administrasyon”, sabi ni Viado.

BI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with