^

Metro

Lisensiya ng driver sa viral NAIA car crash, binawi ng LTO

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tuluyan nang binawi ng Land Transportation Office (LTO) ang lisensiya ng driver ng sports utility vehicle (SUV) na nakasagasa at nakapatay sa dalawang katao sa entrance ng departure area ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) noong May 4.

Sa limang pahinang desisyon na nilagdaan ni LTO Chief Vigor Mendoza, nakasaad dito na  ang SUV driver mula sa Batangas ay napatunayan  guilty sa reckless driving at pinagmulta ng P2,000 bukod sa revocation ng kanyang drivers license. Apat na taong hindi makakapagmaneho ang naturang SUV driver batay sa parusa ng LTO.

Pinaliwanag ni Mendoza na ang parusa sa SUV driver ay maximum penalty  na pinapayagan ng batas.

Nabatid na hindi nagsumite ng kanyang statement ang driver ng  SUV nang ipatawag para maidepensa ang sarili sa nangyari kaugnay ng kasong reckless driving at improper person to ope­rate a motor vehicle sa ilalim ng Joint Administrative Order No. 2014-01.

Nilinaw din ng LTO na ang pagmamaneho ay hindi karapatan at sa halip ay isang pribilehiyo na maaring bawiin anumang oras na lumabag sa batas at road safety rules and regulations.

Hiniling ni Mendoza sa mga motorista na maging responsible at maging disiplinado habang nasa kalsada upang makaiwas sa anumang problemang legal.

NAIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with