Grade 5 student todas sa sagasa ng tatay sa construction site ng Pasig City hall

MANILA, Philippines — Isang Grade 5 student ang patay matapos na masagasaan ng dump truck na minaneho mismo ng kanyang ama sa loob ng construction site sa Old Pasig City hall, sa Pasig City, Huwebes ng hapon.
Dead-on-the-spot ang biktimang alyas “Charles”, 15-anyos, habang nasa kustodiya na ng pulisya ang ama nitong si “Richard”, 41, kapwa residente ng Brgy. Ugong, Pasig City. Siya ang driver ng dump truck na sangkot sa insidente.
Sa ulat ng Pasig City Police station, ala-1:45 ng hapon nang maganap ang insidente sa construction area ng Old Pasig City Hall, sa Caruncho Ave., Brgy. San Nicolas, Pasig City.
Sa inisyal na imbestigasyon, sumakay at minaneho ng suspek ang dump truck na may plakang NBF-5898 hanggang sa naramdaman na lamang ang pagbangga ng likurang gulong ng truck.
Bumaba si Richard at nagulat ito nang makitang duguan at wala ng buhay ang anak na nasagasaan ng gulong.
Humingi ng saklolo sa mga kasamahan sa trabaho ang suspek at dumating ang responde ng Pasig Emergency Unit kung saan din idineklara ni Dr. Bernanrd John San Marcos na patay na ang biktima alas-2:10 ng hapon.
Lumilitaw na nagsisilbing pahinante ang biktima ng kanyang ama at hindi alam ng huli na natutulog sa ilalim ng truck ang anak.
- Latest