LTO sinuspinde lisensiya ni Yanna Motovlog

MANILA, Philippines — Tuluyan nang sinuspinde ng Land Transportation Office (LTO) ang drivers license ng female motovlogger na si Yanna kaugnay nang naganap na viral road rage incident sa Zambales kamakailan.
Ayon kay LTO chief Atty. Vigor Mendoza II na ang online content creator na si Alyanna Aguinaldo o mas kilala sa Yanna Motovlog ay pinagmulta ng P5,000 sa paggamit ng motorsiklo na walang side mirror at karagdagang P2,000 para sa reckless driving.
“Her driver’s license was also suspended until such time that she complied with the order of the LTO to surrender the motorcycle she used during the viral road rage incident, which she admitted to be not hers,” ayon sa LTO.
Nag-ugat ang desisyon sa isang video na ibinahagi ng motovlogger habang siya ay nasa Zambales nagpakita ito ng hindi tamang pag-uugali sa isang negosyante at driver ng pickup truck.
Giit din ni Mendoza, bilang vlogger may malaking responsibilidad si Yanna sa kanyang mga followers at manonood nang makipaggitgitan ito sa pick up at ipakita ang kanyang angas sa driver. Ani Mendoza, hindi ‘safe riding’ ang ipinakita ni Yanna.
Bukod dito, lumilitaw na hindi rin umano nakikipagtulungan si Yanna sa imbestigasyon ng LTO sa kaso na indikasyon ng kawalang respeto sa ahensiya.
Dagdag pa ni Mendoza, ang hindi pagtatanggal ng video ay patunay lamang ng pagiging reckless rider ni Yanna at hindi umano nito inaako ang kanyang pagkakamali.
- Latest