2 Most Wanted sa Makati timbog

MANILA, Philippines — Arestado ang isang driver at isang parking boy na kapwa most wanted persons sa magkahiwalay na operasyon, sa Makati City, umaga ng Lunes.
Unang naaresto si “Bernie”, 28-anyos, driver na top-9 most wanted person sa buwan ng Mayo sa Makati at residente ng Talamban, Cebu, na may kasong carnapping.
Dakong alas-10:20 ng umaga ng Mayo19, 2025, sa Chino Roces Avenue, Makati nang isilbi ng mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section at Investigation and Detective Management Section (IDMS) ng Makati City Police Station ang warrant of arrest laban kay Bernie sa kasong carnapping o paglabag sa Republic Act 10883, na nakabinbin sa Parañaque City Regional Trial Court Branch 294. Siya ay maaring pansamantalang makalaya sa inirekomendang P300.000.00 piyansa.
Pagsapit ng alas-11:20 ng umaga nang madakip sa Matilde St. ng Makati ng mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section naman si “Jeffrey”, 37 anyos, parking boy, top-10 most wanted sa Makati at residente ng lungsod sa kasong paglabag sa RA 9165 na may inirekomendang piyansa ang Makati City RTC Branch 63, na P200,000.00.
- Latest