Gusali ng OSCA sa Marikina, tinangkang nakawan
MANILA, Philippines — Puwersahang pinasok at tinangka umanong looban ng mga ‘di kilalang salarin ang Office for Senior Citizens Affairs (OSCA) sa Marikina City.
Mismong si incoming Marikina City Mayor Maan Teodoro ang nag-ulat ng insidente kahapon subalit hindi na ito nagbigay pa ng ibang detalye.
Gayunman, sinabi ni Teodoro na ang tangkang panloloob ay nagdulot ng pagkaantala sa mga serbisyo ng OSCA.
“We regret to inform you that a forced entry and attempted theft occurred at our District Office located in the Osca Building,” ani Teodoro.
Humingi ng paunawa at pasensiya si Teodoro sa pag-antala ng sebisyo at sisikaping maisaayos ang dinulot na insidente.
Tiniyak din naman ni Teodoro sa publiko na nagsasagawa na sila ng kaukulang hakbang upang maibalik sa normal ang operasyon ng OSCA.
- Latest