^

Metro

2 pang suspek sa Anson Que kidnap slay arestado

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
2 pang suspek sa Anson Que kidnap slay arestado
Three alleged suspects of killing Anson Que and his driver on April 9.
STAR / File

MANILA, Philippines — Timbog ang dalawa pang suspek sa pagdukot at pagpatay sa steel magnate na si Anson Que at driver nitong si Armanie Pabillo kahapon sa isla ng Boracay sa Malay, Aklan.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) chief Gen. Rommel Francisco Marbil, sina  Wenli Gong, ang babaeng Chinese na sinasabing mastermind at Wu Ja Ping ay naaresto sa isang high end resort bandang ala-1:54 ng hapon.

Matatandaang naglabas ng P5 milyon ang pamahalaan para sa ikadarakip ni Gong.

Ayon sa source nadakip ang dalawa sa loob mismo ng kuwarto ng resort.

Batay sa imbestigasyon, si Gong na kilala rin bilang  Kelly Tan Lim, ang nagsilbi ring negosyador sa pagdukot kay Que.

Kontrolado rin ni Gong ang e-wallet na ginamit sa P200 million ransom money na binayad ng pamilya Que.

Bantay sarado rin ni Gong sina Que at Pabillo  sa isang safehouse sa Mecauayan Bulacan kung saan ikinulong at saka pinatay ang mga ito.

Kinumpiska ng mga awtoridad ang cellphone ng mga suspek.

TIMBOG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with