^

Metro

4 timbog sa unregistered slimming coffee

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
4 timbog sa unregistered slimming coffee
Agad na binitbit ng CIDG ang mga suspek na sina alyas Janice, Joey, Camille at Meldy na naaktuhang nagbebenta ng “Lishou” slimming coffee.
STAR/KJ Rosales, file

MANILA, Philippines — Arestado ang apat na katao nang salakayin ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang pabrika ng slimming coffee na hindi rehistrado sa Binondo, Maynila.

Agad na binitbit ng CIDG ang mga suspek na sina alyas Janice, Joey, Camille at Meldy na naaktuhang nagbebenta ng “Lishou” slimming coffee.

Batay sa tinanggap na ulat ni CIDG Director PMGen. Nicolas Torre III, isang tip ang kanilang natanggap hinggil sa pagbebenta ng slimming coffee na hindi rehistrado.

Kasunod nito agad na isinagawa ng mga tauhan ng Southern Metro Manila Field District ng CIDG National Capital Region ang pagsalakay sa isang unit sa Hokka Tower II sa Binondo, Maynila noong Mayo 16.

Nakumpiska sa mga suspek ang 20 master boxes ng slimming coffee na nagkakahalaga ng P300,000.

Nahaharap sa kaukulang kaso ang mga nadakip na suspek gayundin ang may-ari ng produkto.

Ayon kay Torre, ang operasyon ay base na rin sa atas ni Philippine National Police (PNP) Chief General Rommel Francisco Marbil na paigtingin ang operasyon sa lahat ng klase ng paglabag at kriminalidad.

CIDG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with