21 most wanted arestado sa QCPD
MANILA, Philippines — Laglag sa mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) ang 21 Wanted Persons sa 1-araw na “Warrant Day” na manhunt operations na isinagawa sa lungsod.
Sa report na tinanggap ni PCol. Randy Glenn Silvio, Deputy District Director for Administration/Officer-in-Charge ng QCPD, kabilang sa mga nagsagawa ng pag aresto ay ang Masambong Police Station (PS 2) sa ilalim ni PMaj. Jan Christian Bautista ang kanilang No. 10 MWP na si “Hector”, residente ng Alabang, Muntinlupa City, ay naaresto bandang alas-10:00 ng umaga nitong Biyernes (May 16),
Si Hector ay natunton sa Bacoor City Jail-Male Dormitory, BJMP, sa Brgy. Molino II, Arciaga St., Cavite. Siya ay may nakabinbing WOA sa kasong estafa na inisyu ng Branch 196, Regional Trial Court (RTC), Parañaque City.
Sa isa pang operasyon, naaresto ng Fairview Police Station (PS 5) sa ilalim ni PLt. Col. Geronimo Dimayuga, Jr. ang kanilang No.5 MWP na kinilalang si alyas Argel, 27, ng Brgy. Pasong Putik, Quezon City.
Siya ay naaresto bandang ala-1:55 ng hapon nito ring Biyernes (May 16), sa Pearl St., Brgy. Greater Fairview, sa lungsod sa kasong paglabag sa R.A. 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) at BP 881 (Omnibus Election Code of the Philippines) na inisyu ng Branch 307, RTC, sa lungsod.
Kabilang din sa mga naaresto sina “Romeo”, 43, para sa Acts of Lasciviousness na inisyu ng Branch 99, RTC, Quezon City, at “Eliseo”, 50, sa kasong Carnapping na inisyu ng Branch 70, RTC, Binangonan, Rizal.
Aabisuhan ang kani-kanilang korte ng pinagmulan ng mga Warrant tungkol sa pag-aresto sa mga nabanggit na wanted.
- Latest