Technician, 1 pa timbog sa P.5 milyong shabu
MANILA, Philippines — Arestado ang dalawang lalaki na kabilang sa high value individual at street level individual nang mahulog sa ikinasang buy-bust operation ng mga awtoridad sa Taguig City, nitong Biyernes.
Naipagharap na ng reklamong paglabag sa Taguig City Prosecutor’s Office ng Section 5 at 11 ng Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang mga suspek na si alyas Ryan, 33, technician, HVI at alyas Louie, 44, jobless.
Sa ulat, dakong alas-8:05 ng gabi ng Mayo 16, 2025 nang maaresto ang dalawa sa Barangay New Lower Bicutan, ng mga operatiba ng District Drug Enforcement Unit ng Southern Police District (DDEU-SPD), sa koordinasyon ng District Intelligence Division (DID-SPD), Sub-Station 9 ng Taguig City Police Station (CPS), at ng Taguig Police SDEU.
Nasamsam sa operasyon ang isang knot-tied transparent plastic bag na naglalaman ng 75 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P510,000.00.
- Latest