^

Metro

Higit 1K LGUs nag-activate ng price council – DILG

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Bilang tulong sa pagmonitor sa supply at presyo ng mga pangunahing bilihin, sinabi ng Department of the Interior and Local ­Government (DILG) na nasa 1,350 local government units ang muling nag-activate ng kanilang Local Price Coordinating Councils (LPCCs) sa buong ­bansa.

Ayon sa DILG, may 1,269 LGUs sa nasabing bilang ang nagsasagawa na ng regular na inspeksyon sa pamilihan, 230 ang nagtalaga ng barangay officials at NGO upang subaybayan ang pagtaas ng presyo.

May 1,201 naman mula rin sa kanila ang nakikipag-ugnayan sa mga ahensya ng pamahalaan upang tugunan ang hoarding at hindi makatarungang pagtaas ng presyo.

Anang DILG ang pag-activate ng LPCCs ng LGUs ay batay sa rekomendasyon ng National Price Coordinating Council (NPCC) at naaayon sa “Bantay Presyo” initiative ng Department of Agriculture (DA).

Pagtiyak pa ng DILG na mahigpit na ­susubaybayan nito ang pagsunod ng LGU upang matiyak ang proteksyon ng mga mami­mili at pagiging abot-kaya ng pagkain sa local level.

LPCCS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with