Valenzuela LGU sinimulan pamamahagi ng educational assistance
MANILA, Philippines — Pinasimulan na ng Valenzuela City Local Government Unit ang pamamahagi ng educational assistance sa mga mag-aaral sa pampublikong paaralan sa lungsod.
Nabatid na naglaan ng P25,317,000 pondo ang lokal na pamahalaan para sa School Year 2024-2025.
Partikular na makakatanggap ng tulong pinansyal ang mga graduating elementary at senior high school students.
Taun-taong ipinatutupad ang pamamahagi ng educational assistance alinsunod sa inaprubahang ordinansa.
Noong nakalipas na taon, higit 16 libong nagsipagtapos na estudyante ang nakatanggap ng tulong pang edukasyon.
- Latest