^

Metro

P4 milyong halaga ng ‘bato’ nasabat sa buy-bust

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
P4 milyong halaga ng ‘bato’ nasabat sa buy-bust
Batay sa imbestigasyon, bandang alas-6:25 ng gabi nang ikasa ang joint operation  na nagresulta sa pagkakabasabat ng illegal drugs sa high value individual na nakilalang si alyas ‘Abdul’, 20, construction worker at residente ng  North Caloocan City.
STAR/File

MANILA, Philippines — Kalaboso ang isang lalaki matapos na makuhanan ng P4 milyong shabu sa ikinasang buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency at Caloocan City Police kamakalawa sa nabanggit na lungsod.

Batay sa imbestigasyon, bandang alas-6:25 ng gabi nang ikasa ang joint operation  na nagresulta sa pagkakabasabat ng illegal drugs sa high value individual na nakilalang si alyas ‘Abdul’, 20, construction worker at residente ng  North Caloocan City.

Nabatid na isang tip ang natanggap ng PDEA kaya agad nagsagawa ng beripikasyon hanggang sa isagawa ang buy-bust katuwang ang PDEA Regional Office 4A Special Enforcement Team 1,  PDEA RO-National Capital Region RSET 1 at  PNP Substation 14 Caloocan sa parking slot ng isang restaurant.

Nakuha sa suspek ang nasa 600 gramo ng shabu na may street value na  P4,080,000.00 at buy-bust money.

Sinampahan na ng kasong paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs) Article II, Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act ang suspek.

DRUGS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with